3 GUNRUNNERS TODAS SA HIDEOUT

crimeshoot

(NI ALAIN AJERO)

PARANG mga dagang natodas sa kanilang lungga ang tatlong sinasabing miyembro ng sindikatong sangkot sa pagtutulak ng droga at gunrunning na napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis Miyerkoles ng umaga sa Navotas City.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Edgar Doctolero, 40-55 anyos,  Kim Ryan Permejo, 35, at Ernesto Gallardo, ng Blk 35, Lot 26, Phase ,2 Area 2, Brgy. Tumana, Navotas city.

Napag-alamang may isisilbing search warrant laban kay Doctolero  na inisyu ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 286 dahil sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act makaraang ireklamo dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril.

Nang makita ni Gallardo ang mga pulis sa labas ng kanilang hideout at pinagbabaril ang mga ito.

Gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa hagisan ng granada ni Permejo ang mga pulis ngunit hindi ito sumabog.

Ilang sandali pa ay bangkay nang tumimbuwang ang tatlong suspek.

Limang baril na may kalibreng.45, .38, at .22 at dalawang granda ang nasamsam sa lungga ng mga suspek.

Napag-alamang si Doctolero ay kasama rin sa drug watch list ng pulis at barangay.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment