3 CHINESE HULI SA KIDNAPPING NG MALAYSIAN

‘DI NA KABABAYAN ANG BIKTIMA

NAHAHARAP sa kasong illegal detention at extortion ang tatlong Chinese national makaraang sapilitang pigilan sa  isang turistang Malaysian national sa Unit 2318 ng Avida Tower, Prime Taft, Tower 2, sa Taft Avenue, Barangay 36, Zone 3, Pasay City noong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Pasay City Police, sa pangunguna ni Chief of Police Col. Erickson Dilag, isang tawag ang kanilang natanggap dakong alas-9:00 ng gabi na humihingi ng police assistance sa umano’y pwersahang pagpigil sa turistang Malaysian national sa nabanggit na lugar.

Sa maagap na pagresponde ng mga pulis na nakatalaga sa Buendia Ave., at intel operatives, na pinangunahan ni P/Cpt. Deni Mar Pedroso, Chief Intel, nailigtas ang Malaysian national na kinilalang si Steven Lai, 24-anyos, pansamantalang nanunuluyan sa Unit 115, Avida Tower, Prime Taft, Tower 2, Taft Avenue, Barangay 36, Zone 3, Pasay City.

Arestado naman ang mga suspek na sina Wenlong Zhou, turistang Chinese, at Li Ji Qing, POGO worker, kapwa nanunuluyan sa Avida Tower, at Xin Xiaoming, POGO worker at nanunuluyan sa Unit 1411, Sea Residences Tower C, MOA Complex sa Pasay City.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa tatlong suspek na mga Chinese national makaraang magdesisyon ang Malaysian national na papanagutin silang tatlo.

Nasa kustodiya na ng SIDMB, Pasay City Police ang tatlong mga suspek. (DAVE MEDINA)

 

Related posts

Leave a Comment