22 TSINA NASAGIP, 2 BUGAW NADAKIP

PROSTI-2

AABOT sa 22 babaeng chinese nationals  ang nasagip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation kasabay nang pagdakip sa dalawa nilang kababayan na responsable sa umano’y  pagbubugaw sa mga biktima, makaraang isagawa ang pagsalakay sa hinihinalang sex den sa Makati City, iniulat kahapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Person Act of 2012, ang dalawang umano’y bugaw na kinilalang sina Zhang Lian Wei at Li Wu Tao.

Samantala, nakipag-ugnayan na sa Bureau of Immigration (BI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga awtoridad para sa kustodiya ng 22 babaeng Chinese nationals.

Batay sa imbestigasyon ng NBI Anti-Organized and Trasnational Crime Division, namamalagi ang 22 kababaihan sa 11 palapag ng isang hotel sa Makati City.

Ayon sa ulat ng NBI, isang asset ang nagpanggap na parukyano at nang makabayad ng halagang P9,000 ay dinala siya sa isang kuwarto para mamili ng babae.

Sa puntong ito ay natimbog ng ibang mga tauhan ng NBI ang dalawang umano’y bugaw na kapwa nila Chinese national, at nadiskubre ang mga kababaihan.

Natagpuan sa mga silid ng nasabing hotel ang mga condom, lighters na may mga number, vaginal lubricant cream at sexual services menu card.

Ayon sa NBI, ang mga babae ay ilegal na ni-recruit sa China para magtrabaho sa Pilipinas ngunit nasadlak sa prostitusyon. (RENE CRISOSTOMO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment