22 HULI SA PEKENG DOKUMENTO SA QUIAPO

(NI KOI HIPOLITO)

KULUNGAN ang bagsak ng hindi bababa sa 22 indibidwal na mga sangkot sa pagpapakalat at paggawa ng mga pekeng dokumento at mga iba’t ibang identification cards ng mga ahensya ng gobyerno matapos salakayin at magsagawa ng search operations ang mga tauhan ng Regional Special Operations Unit (NCRPO-RSOU) bandang alas-10:23 ng umaga nitong Huwebes sa Quezon Boulevard, Manila.

Ayon sa ipinadalang report ni RSOU Chief PCol. Rogarth Campo kay NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar, inaresto ang 22 mga suspek matapos silbihan ng tatlong search warrant na inisyu nina Hon. Marlina M. Manuel ng Regional Trial Court, Branch 25 at Hon. Tammy Ann C. Reyes Mendillo ng Branch 22, Hon. Silvino T. Pamlio ng RTC, Branch 26 ng Maynila, ang bahay ng suspek na target ng nasabing operasyon na si alyas “Jing-jing”.

Nasamsam sa ginawang paghahalughog ng mga otoridad ang mga bulto-bulto ng mga iba’t ibang mga pekeng dokumento, mga pekeng id cards, computer machines na may kasamang mga accessories at mga dry seals na gamit sa kanilang mga iligal na aktibidades.

Nakakulong na ngayon sa RSOU Custodial Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang mga nahuling suspek at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Art.172 (Falsification by Private Individual and used falsified documents) of the RPC, Sec 31 of Art 11 of RA 4136 and PD 1730 (Declaring the Syndicated printing, manufacture, Distribution, Possesion or use of fake official Bureau of Land Transportation Forms, Documents, Plates and Stickers as offenses involving Economic Sabotage) sa Manila Prosecutors Office.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment