2 PUTOL NA PAA ITINAPON SA MARIKINA RIVER

DALAWANG putol na paa ng tao na nakasilid sa itim na plastic garbage bag ang itinapon sa gilid ng Marikina river sa Marikina City.

Ayon sa Marikina City Police Station (CPS), ipinagbigay-alam umano ng isang concerned citizen sa mga tanod ng Brgy. Industrial Valley Complex (IVC) ang nakitang kulay itim na garbabe bag na may nakalabas na buto at may bahid ng dugo sa gilid ng nasabing ilog bandang alas-7:30 ng umaga nitong Huwebes.

Mabilis namang tinungo ng mga tanod ang lugar para beripikahin ang sumbong ng concerned citizen at nang buksan nila ang itinurong plastic bag ng basura ay tumambad ang dalawang putol na paa ng tao kaya agad nilang itinawag sa pulisya.

Nagresponde naman ang mga tauhan ng Marikina SOCO para iproseso ang lugar ng insidente habang dinala  sa Eastern Police District (EPD) Crime Laboratory Office ang natagpuang mga putol na paa para sa isailalim sa DNA examination at kaukulang disposisyon. (NICK ECHEVARRIA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment