2 MOTORNAPPER TODAS SA QC

(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY JULIUS CARBO)

PAGKASAWI ang napala ng dalawang motornapper matapos na kapwa manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Biyernes ng madaling araw.

Isinilarawan ng kapulisan ang mga napatay na kapwa nasa 4’10 ang taas, 40 hanggang 45 anyos, nakasuot ng asul na t-shirt, black shorts at black jacket.

Ayon kay P/Supt. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station 6 (PS6), dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa bakanteng lote ng Manahan Subdivision Barangay Payatas B, Q.C.

Nauna rito, bandang alas-12:46 nang makatanggap ng tawag ang PS6 mula sa 911 hinggil sa umano’y dalawang tao na nasa bakanteng lote at tsinatsap-tsap ang isang motorsiklo.

Dahil dito, agad na rumesponde sa lugar ang kapulisan subalit imbes na sumuko ang dalawa ay pinili ng mga ito na lumaban at nagbunot ng kanilang baril ang pinaputukan ang mga papalapit ng mga otoridad.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis sanhi ng kamatayan ng dalawa.

Narekober mula sa mga suspek ang isang Honda Beat, dalawang caliber .38 at walong plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu.

Patuloy na inaalam ng QCPD ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung anong grupo ito kaanib.

 

 

Related posts

Leave a Comment