2 KOREANO, PINOY HULI SA PEKENG $.2-M DOLYAR

fake12

(NI ROSE PULGARPHOTO BY RAFAEL TABOY)

ISANG Pinoy na  negosyante at dalawang Korean  nationals  ang natimbog ng pulisya matapos makuhanan ang mga ito ng pekeng dolyar na nagkakahalaga ng  mahigit $.2 million, Miyerkoles ng gabi sa isang hotel-casino sa  Pasay City.

Iniharap nitong Huwebes ni Police Colonel Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police kina National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Major General Guillermo Eleazar at Southern Police District (SPD) Director Police Brigadier  General Eliseo Cruz Jr., ang mga suspect na nakilalang sina Fernando Silanga, 44, negosyante, binata, nakatira sa Living Stone Building, Aqua Private Residence, Mandaluyong City;  Tiange Wu, 31,  casino operator, nanunuluyan  sa Cluster 6, 6th Floor, Montecito Condominium, New Port, Brgy. 183, Villamor, Pasay City at Song Ho Sang, 53,  nanunuluyan sa Santiago City Isabela, kapwa Korean nationals.

Pinaghahanap naman ang isa pang suspect na  si James Park, isa ring Korean national.

Lumabas sa report ng Pasay City Police, nadakip ang mga suspect ng mga kagawad ng Pasay City Police alas-7:55 ng gabi sa Resorts World Manila, 3rd Floor, Genting Cage Grand, Wing Casino sa New Port City, Brgy. 183, Villamor, ng nabanggit na lungsod.

Nakatanggap ng tawag sa telepono ang duty desk officer ng Pasay City Police mula sa security personnel ng Resorts World Manila hinggil sa apat na kalalakihan kabilang ang tatlong dayuhan  na may dalang pekeng pera na nagkakahalaga ng $288,700.00.

Agad nagkasa ng follow-up  ang mga pulis  at nadakip ang tatlong suspect at nakumpiska mula sa mga ito ang mga pekeng dolyares.

Samantala, ang isa pang suspect na si Park ay nakatakas.

Ang tatlong suspect na nadakip ay nakakulong  sa Pasay City Police detention cell at nahaharap sa kasong  paglabag sa Article 168 (Illegal Possession and Use of False Treasury Bank Notes and Other Instrument of Credit) at Estafa.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment