2 HOLDAPER, PATAY; 1 PULIS KRITIKAL SA MANILA SHOOTOUT

(NI RENE CRISOSTOMO)

DALAWANG hinihinalang holdaper ang napatay ng mga operatiba ng Manila Police District habang patuloy na inoobserbahan sa pinagdalhang pagamutan ang isa sa pulis,sa tinamaan ng 4 na beses sa katawan kamakalawa ng gabi sa Sta.Cruz,Manila.

Unang naka engkuwentro ng mga tauhan ni P/ Lt.Col. Reynaldo Magdaluyo ,Station Commander ng MPD-PS 3 ,ang suspek na si Rodel Vicente, 34, ng 1555 New Antipolo St.Sta.Cruz.

Si Vicente ang bumaril at kasalukuyang kritikal sa  Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), kay  PCpl Edgil Bombase dahil sa 4 na  tama nang bala sa tiyan at sa atay.

Matapos  ang insidente nang shootout, nagsagawa ng follow- up operation sa hanay ni P/ Insp. Rowell Robles , hepe ng MPD-Alvarez Police Community Precinct hanggang sa mamataan ng mga ito ang unang suspek ,na nakilalang  si Antonio Yap, 45, at residente ng 649 Blk15 Port Area, Manila.

Batay sa ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro, naganap ang unang engkuwentro ng bandang alas-10:35 ng gabi sa riles ng tren sa panulukan ng Tomas Mapua St.,at Old Antipolo St., Sta.Cruz

Papasok pa lamang si Cpl.Bombase nang salubungin   ito mga putok ng baril, galing kay Vicente .

Narekober ng mga awtoridad ang baril na  9 mm na kalibreng baril; 50 gramong hinihinalang shabu ; P130,000 cash ; 26 na tabletang ecstasy ; timbangan; iba’t ibang klase ng mga alahas na silver .

Gayunman ,nagpasiya si P/Insp. Robles ang mag follow – up sa kaso ng bandang 11: 30 ng hatinggabi  hanggang sa maka engkuwentro nila si Yap sa kahabaan ng  Rizal Avenue, malapit sa Quiricada St. sa Sta.Cruz .

Napatay si Yap at narekober dito ang Glock 17 pistol at ilang gamit.

Bago ang insidente inutusan umano ni P/ Capt. Kherwin Evangelista, block commander ng MPD – Blumentritt Police Community Precinct ng Station 3,  si Cpl. Bombase at dalawa pang pulis  na magsagawa ng beripikasyon at follow-up operation sa naganap na holdapan sa kanilang nasasakupan sa  Blumentritt St.sa Sta.Cruz.

Dito na nakatanggap ng impormasyon si Bombase na may ilang armadong indibiduwal ang namataan sa panulukan ng Tomas Mapua at Antipolo St. kaya nirespondehan ng mga pulis. Lumalapit pa lamang sa grupo ang mga pulis nang paputukan si Bombase na tinamaan agad ng 4 na bala.

 

Related posts

Leave a Comment