2 CHINESE KULONG SA KIDNAPPING NG TAIWANESE NATIONAL

arrested12

(NI KOI HIPOLITO)

KULUNGAN  ang bagsak ngayon ng dalawang Chinese nationals matapos na ireklamo ng isang turistang Taiwanese national na nailigtas ng mga tauhan ng Police Community Precint (PCP-12) Pasay City police station na sapilitang ikinulong nitong hapon ng Miyerkoles sa Room 882 ng Maxims Hotel, Resorts World Manila, Brgy. 183 Villamor, Pasay City.

Nakilala ang biktimang na si Liu, Chin-Wei, 38, isang turista at naninirahan sa Bonifacio Global Center sa Taguig City.

Ang mga suspek na sina Liu Ning, 37, isang turista at pansamantalang residente sa Tambo, Paranaque City, Zhu Yizhi, 43, na tumutuloy ngayon sa nasabing hotel.

Ayon sa ulat ng Station  Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) kay Pasay City police chief PCol.Bernard R. Yang, sapilitan umanong dinala ng dalawang suspek ang biktimang si Liu sa kuwarto ni Zhu at ikinulong matapos na matalo sa casino ng hindi agad makapagbayad ang biktima na pinautang umano ng mga suspek ng halagang P200,000.

Nakiusap umano ang biktima na makatawag sa kanyang kaibigan sa cellphone para makapanghiram ng pambayad sa mga suspek kung saan tumawag naman sa Taiwanese Embassy ang kaibigan ng biktima nang malaman nito ang nangyari. Dahil dito mabilis nakipag-coordinate ang mga empleyado ng Taiwanese Embassy sa mga otoridad na nagsagawa ng rescue operation sa biktima at inaresto ang dalawang suspek na mahaharap ngayon sa kaso.

Related posts

Leave a Comment