2 BIGTIME DEALER NAKORNER SA P17-M SHABU

P17M SHABU

ARESTADO sa mga tauhan ng Follow-up Section and Station Drug Enforcement Unit  (SDEU) ng c na pinamumunuan ni P/Col.  Segundo C. Lagundiang, ang dalawang hinihinalang bigtime drug dealer sa buy-bust operation sa isang subdibisyon sa Las Piñas City noong Miyerkoles ng gabi at nakumpiska ang dalawang kilo ng umano’y shabu na tinatayang P17 milyon ang street value.

Sa ulat ng mga operatiba, target ng operasyon ang isang alyas Ikon Tanda noong Enero 15 sa Verdant Acres Ave., Verdant Acres Subdivision, Brgy. Pamplona Tres, Las Piñas City ngunit ang dalawang suspek na sina Jerrymias Suson at Miguel Castillo ang inabutan na galing sa Sta. Mesa, Manila at tumawid ng Pasay City.

Nakumpiska sa pag-iingat ng dalawang suspek ang tatlong bloke ng large-size heat-sealed transparent plastic na nababalutan ng candy wrapper foil at naglalaman ng shabu, at P1,500,000 budol money bilang ebidensya.

Dinala sa SPD Crime Lab para sa chemical analysis ang nakumpiskang tatlong bloke ng hinihinalang shabu na sa record ng SPD ay pinakamalaking nakumpiska sa taong 2020, habang inihahanda ang pagsasampa ng mga  kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek. (DAVE MEDINA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment