2 BAR GIRLS TIMBOG SA BENTAHAN NG PARTY DRUGS

(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY RAFAEL TABOY )

TIMBOG ang dalawang bar girls sa isang  entertaintment hub sa Makati City, Lunes ng hapon dahil sa pagbebenta umano ng ecstasy pills o party drugs.

Nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga kagawad ng Makati Police sa mga suspek na kinilalang sina Karylle Tecson,  bar manager ng # 3255 A. Mabini St. kanto ng Zamora, Bgy. Poblacion; at Janine Sibug, entertainer, ng F. B. Harrison St., Pasay City.

Hinuli ang mga suspek dakong alas 4:30 ng hapon sa Makati Ave. kanto ng Burgos St. nang positibong mabilhan ng poseur-buyer ng P3,000 halaga ng droga.

Nasamsam sa mga suspek ang 10 puting tableta ng hinihinalang ecstasy na may street value na P25,000 buy bust money na P3,000, kulay itim na shoulder bag, 2 celfone, 2 ID, 1 itim na wallet at 1 kahon ng pain reliever.

Ayon kay Makati City Police Chief PCol. Roger Simon, nagbebenta ng party drugs ang 2 suspek sa mga kapwa nila entertainers sa P. Burgos St., at sa iba pang mga bar sa nabanggit na Lunsod.

Hindi naman inaalis ng mga pulis sa kanilang imbestigasyon ang posibilidad na nagbebenta rin ang mga suspek sa kanilang mga customer.

Depensa ng dalawang babaeng suspek na isinet -up lang sila ng ibang kasamahan matapos ang pangangakong babayaran kapag iniabot ang droga.

Mahaharap ngayon sina Tecson at Sibug sa kasong paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o  RA 9165.

Related posts

Leave a Comment