2 BABAE SA QC BINARIL, PATAY

crime45

TODAS ang dalawang babae sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa lungsod ng Quezon nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot bunsod ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktimang si Michelle Sasis.

Batay sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), nag-aayos ng gamit sa bahay ang biktima, kasama ang kanyang ina, sa Barangay Old Balara nang pasukin sila ng isang lalaki na naka-bonnet at malapitang pinaputukan si Michelle.

Nabatid sa report na dating nakulong  ang biktima dahil umano sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Samantala, makalipas lamang ang ilang minuto ay pinagbabaril ng riding in tandem sa gilid ng kalsada sa bahagi ng Luzon Avenue ang biktimang si Gloria Guevarra.

Sa inisyal na ulat, naglalakad  ang biktima habang may kausap sa cellphone nang hintuan ng dalawang lalaking angkas sa motorsiklo at pinagbabaril si Guevarra.

Namatay noon din sa lugar ng pananambang ang biktima bunsod ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Palaisipan sa mga awtoridad ang motibo sa krimen lalo’t wala namang anumang record sa pulisya ang biktima na nasangkot ito sa anumang krimen. (JG TUMBADO)

 

Related posts

Leave a Comment