2 BABAE PATAY SA SUNOG SA PARAÑAQUE

SUNOG-8

(Ni ROSE G. PULGAR)

NASAWI ang dalawang babae habang 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang tupukin ng apoy ang may 50 bahay sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.

Sunog ang buong katawan ng isang dalagang call center agent na nakilalang si Maria Jocelle Maglakas Jinao, 26-anyos nang matagpuan sa banyo.

Habang hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Paranaque ang isa pang biktima na si Cristy Riosa Miranda, 54 anyos makaraang mabagok ang ulo nito nang magkaroon ng stampede.

Ayon kay Paranaque City Fire Marshal Chief Inspector Jerlin Sales, dakong alas-300 ng hapon nang simula ang sunog sa Saint Mary Compound, Daang Batang nang nasabing barangay.

Dahil yari sa light materials ang mga bahay ay mabilis na kumalat at lumaki ang apoy.

Sinuspendi naman ang klase sa Moonwalk National High School na malapit sa mga nasusunog na bahay.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na idineklarang fireout bandang alas-5:00 ng hapon.

Nahirapan ang mga kagawad ng pamatay sunog na pasuking ang lugar dahil sa masikip ang daanan.

Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-arian ang napinsala.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment