2 ARESTADONG ‘KIDNAPPER’ INIHARAP NG NCRPO

kidnapping1

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

HINIMOK ni National Capital Regional Police  Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar ang mga pamilya ng tangkang kidnapping na magsampa ng kaukulang reklamo upang umusad ang kaso sa korte. Kasabay nito, dumagsa rin sa tanggapan ang ilang pamilya na kumumpirmang tinangkang dukutin ang kanilang mga anak.

Sa isang press conference sa tanggapan ng NCRPO, sinabi ni Eleazar na wala aniya itong katotohanan na may nagaganap na kidnapping at itoy nagiging sanhi lamang aniya para mag-panic ang publiko lalu na ng mga magulang.

Kung saan wala naman aniyang ebidensiyan, na nagpapatunay na may insidente ng kidnapping dahil wala namang nag-re-report sa pulisya.

Ang naging tugon ni Eleazar ay base sa pahayag ng suspect na iprinisinta  sa mga mamamahayag na si Lilibeth  Bustamante, 47, tubong San Pedro, Laguna at nakatira sa Brgy. Manuyo Uno, Las Pinas City.

Naunang inakusahan na isang miyembro ng kidnapping syndicate ang suspect  na nagsasagawa ng iligal na operasyon sa Metro Manila, Cavite, Laguna at Bulacan.

Ayon pa kay Bustamante,  dalawa aniyang bata ang biktima ng kidnapping sa area ng Laguna.

Base sa record ng NCRPO, naganap ang tangkang pangingidnap  ni Bustamante ay noong Pebrero 19 ng taong kasalukuyan, alas-11:00 ng umaga sa no. 8 Libas St., Sampaloc Site, BF Homes, Paranaque City.

Nabatid, na lumapit  at nagtanong umano ang suspect sa biktimang si  alias Nene, kung saang may malapit na tindahan at  kung maaari ay samahan siya.

Subalit, tumanggi ang biktima, kung kaya’t pwersahan itong hinawakan  ng suspect hanggang sa nagpapupumiglas naman ang bata.

Umatungal ng iyak ang bata ngunit pilit pa rin itong hinihinala ng suspect para dalhin ito.

Isa sa mga kapitbahay ng biktima ang nakialam at napilitang umalis ang suspect.

Nakarating sa barangay ang insidente, na nagresulta nang pagkakaaresto sa suspect, na kaagad namang dinala ito ng mga tanod sa tanggapan ng Paranaque City Police.

 

 

Related posts

Leave a Comment