18 HULI SA VOTE BUYING SA MUNTI, MALABON

boto12

(NI ROSE PULGAR, KOI HIPOLITO)

LABING-WALO katao ang naaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa vote buying sa magkahiwalay na insidente sa Muntinlupa at Malabon City, nitong Sabado.

Nakakulong ngayon sa NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig ang 17 nadakip pawang mga taga Muntinlupa City.

Ayon sa report na natanggap ni NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar, dakong alas-11:00 ng umaga nang madakip ang mga suspect sa loob ng Minerva Compound, National Road, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Ito ay matapos silang makatanggap ng report hinggil sa nagaganap umanong vote buying sa naturang lugar.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspect ang halagang P45,100 na ang denomination ay nasa tig P500 , P300 at P100 na nakalagay sa mga puting sobre, listahan ng mga botante at mga sample ballots.

Base pa rin sa report ng NCRPO, alas-9:30, Biyernes ng gabi ay nadakip naman Joel Adora, 48, ng no.10 Burgos St. Barangay Concepcion, Malabon City dahil din sa vote buying sa Governor Pascual Avenue Brgy. Concepcion ng nabanggit na lungsod.

Habang nagpapatrulya ang mga tanod sa lugar ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen,  na ang  nabanggit ay sangkot sa vote buying.

Nakumpiska sa suspect ang 17 pirasong kulay puting sobre na naglalaman ng tig P300 at voting paraphernalias.

Ayon kay Eleazar ang mga suspect na nadakip ay nahahrap sa kasong palglabag sa Omnibus Election Law (Vote Buying and Vote Selling).

 

Related posts

Leave a Comment