17-ANYOS NA DALAGITA, NIRATRAT SA HARAP NG BAHAY

shooting incident123

(NI JULIE DUIGAN)

MALAKI ang hinalang napagkamalan lamang ang isang 17-anyos na dalagita, makaraang ratratin ng bala , habang kumakain sa harap ng kanilang bahay sa Tondo, Manila Linggo ng madaling araw.

Hindi na nagawang maisalba ng mga manggagamot ng  Tondo General Hospital ang biktimang nakilalang si Ronalyn Cordero, isang out-of-school youth (OSY), dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan.

Tumakas naman ang gunman matapos ang pamamaril.

Base sa ulat na isinumite ni Det.Lester Evangelista,kay P/Capt. Henry Navarro , hepe  ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section , bandang alas-3:30 ng madaling araw , nang maganap ang krimen sa harapan ng bahay ng biktima sa  Dayao St, sa Tondo,

Napag-alaman sa report ng pulisya, kasama ng dalagita ang kanyang pinsan, nang bigla umanong sumulpot sa kanilang likuran ang suspek at saka walang sabi-sabing paputukan ng dalawang beses ang biktima, saka mabilis itong umeskapo.

Hinala naman ng mga awtoridad na posibleng napagkamalan lamang ng gunman ang biktima dahil ayon sa mga kaanak nito ay wala silang alam na may kaaway ito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment