17-ANYOS, 18-ANYOS SHABU PUSHER NA

SHABU PUSHER

NASAKOTE ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng pulisya Marikina City ang isang 17-anyos at 18-taong-gulang na kalalakihan sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lungsod.

Ang suspek ay si Jovy Tocson, samantalang sinadya ng Diaryo Bomba News Blast online na itago ang pagkakilanlan ng 17-taing-gulang na tulak alinsunod sa isinaad ng batas na proteksyon sa pagkatao ng mga minor de edad.

Ang dalawang pinaniniwalaang shabu pusher ay nasakote ng operatiba ng DEU sa pamumuno ni Insp. Greco Gonzales dakong 2:15 a.m. ngayong Disyembre 6 sa Block 72 Ampalaya St. ng Brgy. Tumana.

Anim na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, P500 na ginamit sa buy-bust, at isang coin purseang nakumpiska sa mga suspek.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang asuntong isasampa nina Gonzales sa piskalya laban sa dalawa.

Nakakulong si Tocson sa selda ng pulisya, samantalang ang minor de edad ay ipinasa na sa So-cial Worker Department ng pamahalaang lokal ng Marikina.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment