1 CHINESE NATIONAL, 2 PA, NAILIGTAS NG PNP-AKG

crime kidnapping12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASAGIP ng mga tauhan ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang tatlong biktima ng kidnapping sa magkakahiwalay na operasyon nitong linggo.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Elmer Cereno, tagapagsalita ng  PNP-AKG, nakilala ang mga nailigtas na mga biktimang sina  Adora Taberna, Noia Mae Mendoza at isang Chinese national na si Lilang Qui.

Lumalabas na unang nailigtas ng PNP-AKG  si Mendoza sa isang hotel sa Ermita, Maynila nitong Biyernes (Agosto 9),  matapos mapaulat na ilang araw na itong nawawala.

Sumunod namang nasagip nitong Sabado ang Chinese national na si Qui sa isang ring hotel sa Roxas Blvd sa Maynila kasama ang tatlo pang kababayan na hindi pa batid ang mga pangalan matapos silang ikulong ng kanilang mga kidnappers kung saan nakita pa sa kuha ng CCTV kung paano ini-lock ng mga suspek ang isa sa mga silid ng mga biktima sa nasabing hotel.

Sa isang inn sa Dagupan City, Pangasinan naman natunton ng PNP-AKG ang kidnap victim na si  Taberna  na tatlong araw na ring iniulat na nawawala na dinukot umano sa Caba, La Union, makaraang hindi makabayad sa P500,000 sa dalawang lalaki na pinagkakautangan nito.

Gayunman duda ang PNP-AKG sa kaso ni Taberna na posibleng ‘kidnap me’ matapos mabatid na problemado ito sa pera at nagbabakasakali umanong  makahingi sa kanyang nobyong Amerikano sa pamamagitan ng nasabing modus na sinisikap na mai-establish ng pulisya.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment