YENG, ‘BORN ACTRESS’ – DIREK CRISANTO AQUINO

(NI LEO BUKAS)

“BORN actress” ang singer na si Yeng Constantino, ayon sa director ng Metro Manila Film Festival entry na Write About Love who is also my schoolmate sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) na si Crisanto Aquino.  Si Yeng ang leading lady ni Joem Bascon sa pelikula ng TBA Studios na pinagbibidahan din nina Miles Ocampo at Rocco Nacino.

Opinyon ni Yeng,  “Siguro nakatutulong din yung pagiging singer namin. Kasi po pag kumakanta kami nilalagay din po namin yung sarili namin sa kanta, so in a way it’s also acting.

“Pero iba rin po yung nagde-deliver ng lines na walang melody at saka aaralin mo talaga yung karakter mo sa pelikula, very challenging.”

Naniniwala ba siya na ang magagaling na singer ay posible ring maging magaling na artista?

“Yes po,” tugon ng singer-actress. “Example po niyan si Ms. Regine Velasquez, Ms. Nora Aunor, napakagaling. Napakahusay. Parang sinasabi lang nila yung mga lines. Feeling ko nga yung mga co-singers ko sa ASAP kaya din nilang umarte, kaya nila ito.”

After Write About Love ay gusto ni Yeng na ituluy-tuloy na ang paggawa ng pelikula.

Aniya, “Sana po. Sana po after this film ay makitaan po ako ng potensyal ng ibang production houses. Mag-o-audtion po ako ulit kasi nag-audition po ako para sa aking karakter dito, eh. Hindi po ako titigil kasi I found it talaga na parang naging passion ko na rin ito.”

Samantala, natawa naman si Yeng nang tanungin namin siya kung sino ba sa palagay niya ang mas magaling na aktres sa kanila ng kapwa singer din na KZ  Tandingan na pinasok na rin ang pag-arte sa pelikula.

“Sa akin hindi ko makukumpara kung sinong mas magaling sa amin ni KZ, pero alam ko na… kasi nagbasa din ako ng mga write-up tungkol kay KZ, bilib talaga yung director ni KZ sa kanya.

“Hindi ko nga lang napanood kasi nawala sa cinema kasi ang dami kong ginagawa. Pero even sa manager namin, sinabi nga na ang galing-galing ni KZ do’n, sobrang natural lalo na yung timing niya sa comedy,” huling pahayag ni Yeng.

 

Related posts

Leave a Comment