WILL JUDAY REPEAT HISTORY MADE BY NORA  IN CAIRO?

(NI JERRY OLEA)

BONGGA sina Judy Ann Santos, Allen Dizon at Yuna Tangog. Kitang-kita sila sa omnibus trailer ng 41st Cairo International Film Festival (Nobyembre 20-29, 2019), kung saan kasama sa Main Competition ang pelikula nilang Mindanao na idinirek ni Brillante Mendoza.

Ano kaya kung sundan ni Juday ang mga yapak ng Superstar na si Nora Aunor? Magiging masayang-masaya tayo kung magkakatotoo para sa Young Superstar ang kasabihang, “History repeats itself.”

Nag-best actress si Nora sa CIFF 1995 para sa The Flor Contemplacion Story, na tinanghal na Best Film (Golden Pyramid).

At sa Metro Manila Film Festival 1995, nag-best actress si Nora para sa Muling Umawit Ang Puso.

Si Joel Lamangan ang nagdirek ng The Flor Contemplacion Story at Muling Umawit Ang Puso, na parehong prinodyus ng Viva Films.

Llamado rin si Juday na mag-best actress sa MMFF 2019 para sa Mindanao.

SARAH AT MATTEO ENGAGEMENT NAKAKA-GOOD VIBES

Nakaka-good vibes ang engagement nina Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli, at ang PDA nina Vice Ganda & Ion Perez sa social media.

Panay-panay ang pag-congratulate sa kanila maging ng kapwa celebrities.

Taob ang nakaka-Sahayad na eksena ng rumored lovers na sina Ruru Madrid & Bianca Umali matapos ang premiere night ng Cara X Jagger sa SM Megamall.

Nakakalukring lang iyong mga nagko-comment ng “Sana oil” para kina Vice at Ion. Masyadong “madulas” ang dating.

Mas bet kong sabihan ang magsing-irog ng It’s Showtime ng, “Sana Halls.”

HOW 2 BE U JANNO

Dapat magpasalamat si Janno Gibbs kay Morissette Amon. Hindi sinipot ni Janno ang concert ng baguhang si Kiel Alo sa Music Museum, pero ang nadidikdik nang husto ay si Morissette na nag-walk out doon.

Alin ba ang mas malaking kasalanan? Iyong hindi dumating sa concert at walang pasabi kung bakit, o iyong nag-rehearse pero nawala sa mood na mag-show dahil na-hurt sa interview?

Kaya ba hindi napag-uusapan ang pagiging no-show ni Janno eh dahil La Ocean Deep na siya, samantalang relevant pa si Morissette?

‘ADAN’ FEARLESS LESBIAN MOVIE

Walang takot ang lesbian movie na Adan at musical film na Damaso na makipagsalpukan sa takilya sa animated sequel na Frozen 2 sa Nobyembre 20.

Sabik na sabik ang moviegoers sa Frozen 2, kung saan tutuntunin ni Elsa ang pinagmulan ng kanyang magical powers. Kaabang-abang ang journey nila nina Anna, Kristoff, Olaf at Sven kung saan iba’t ibang panganib ang kanilang kakaharapin.

Siguradong magma-magic sa takilya itong Frozen 2. Iyong 2013 film na Frozen eh $1.276B ang worldwide gross. Kabilang diyan ang $400M sa North America, at $247M sa Japan.

In fairness, iba sa Frozen ang crowd o target audience ng Adan at Damaso. Good luck sa kanila, lalo pa’t sa Nobyembre 27 ang showing ng nangangamoy-blockbuster ding Unbreakable nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at Richard Gutierrez.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment