WALANG NANGAHAS NA LOCAL FILMS

Miracle in Cell No 7-The Mall The Merrier

Tapos na ang 45th Metro Manila Film Festival, kung saan topgrosser ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach, at pangalawa ang The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Tatlong bagong banyagang pelikula ang palabas na ngayon sa local cinemas — ang Cats, The Assent at The Cleansing Hour. Matapos mag-showing noong Disyembre 20-22, palabas na muli ang Star Wars: The Rise of Skywalker.

Sandamukal na Pinoy movies ang naghihintay ng playdate, pero walang nangahas mag-open sa unang playdate ng 2020. Takot maging casualty sa Star Wars?!

Aba! Three weeks nang #1 sa takilya ng North America itong The Rise of Skywalker. $451.6M na ang domestic gross nito, at ang worldwide gross ay $919M na.

Mukhang natuto o nagtanda ang local producers sa nangyari sa Frozen. Di ba, nakipagsalpukan sa Frozen 2 ang Adan at Damaso? Ayun, agad-agad na na-frozen delight ang dalawang Pinoy movies.

Ang worldwide gross ng Frozen 2 ay umabot na sa $1.325B. Ito na ang highest-grossing ANIMATED release sa kasaysayan.

Sa Enero 15 mag-o-open ang Mia na pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman. Ayon sa producer na si Chris Cahilig, wala itong kasabay na local movie.

Bali-balita na this January rin ang playdate ng zombie thriller nina Julia Barretto at Joshua Garcia na Block Z.

We’re looking forward sa Valentine movie na In Between Goodbyes, starring Lovi Poe, Marco Gumabao and Tony Labrusca, sa direksyon ni Joel Lamangan. (Jerry Olea)

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment