VLOGGER NA SI JULIA

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

MAY You Tube vlog na rin si Julia Barretto at an first video na in-upload niya ay ang mga behind the scenes niya sa ASB-CBN Ball 2019 habang nasa hotel room siya at naghahanda.

Sey ni Julia sa kanyang IG post, isang taon na rin daw niya itong pinag-isipan.

“It’s official, I’m going to be on Youtube! I’ve been thinking really long and hard about this for almost a year already. Thank you to everyone who encouraged me to finally do this,” ang announcement niya sa IG.

Sa kanyang first video ay tumatak sa mga viewers ang diskusyon nila ng kapatid na si Claudia Barretto habang nasa hotel room tungkol sa mga taong ayaw sa kanila.

Sabi ni Claudia, kapag ayaw daw sa kanya ng isang tao ay hindi niya pipilitin.

“I don’t wanna feel insecure about myself because of someone else,” ani Claudia.

Sumang-ayon naman si Julia at sey niya, “never force yourself to a guy or to anybody, actually.”

Ayon pa kay Julia, i-save na lang daw ang energy sa taong gusto ka.

Natuwa naman ang mga fans ni Julia sa bago niyang You Tube account though may nagkomento na matalino raw ang young actress for coming up with a vlog para mapakinabangan ang mga bashers by You Tube views.

“Julia is so SMART. She’s monetizing the bashers’ energy and effort to stalk her and bring her down through YouTube views. Ahahahaha. Great job!!!!!” komento ng isang netizen.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment