VIVA ARTIST PA RIN ANG SEXY ULI NA SI ANDI

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

SEXY na agad si Andi Eigenmann nang makita namin na very hands-on sa kanyang second baby. Nagkataong kasama ni Gabby Eigenmamn ang kapatid na si Andi sa opisina ng PPL Entertainment, Inc.

Kasama ni Andi ang bunsong anak na si Lilo.

Four and half months na si Lilo at ang ganda-gandang baby. Mas kamukha ito ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose at ni Andi mismo. Mukhang happy baby rin.

Nasa Manila raw sila ngayon hanggang Christmas na. Sa New Year ay sa Siargao naman sila. Sabi ni Andi, Manila pa rin daw ang home niya pero gusto raw niyang talaga sa Siargao kunsaan, nagpapatayo sila ng bahay ni Philmar Alipayo at air bnb.

Masaya rin si Andi sa kung ano siya ngayon. In fact, she found peace of mind and simple life raw. Wala ngang yaya si Andi sa ikalawang anak na personal choice nila ng partner.

Sey niya, “Hindi ko kasi nagawa to kay Ellie noon, my family was always there plus may yaya. Ngayon, gusto ko siyang ma-experience.”

Nag-alok pa raw ang mommy niya na si Jaclyn kung gusto, ito na ang magbabayad ng yaya ng apo, thinking siguro na baka nagtitipid lang sila kaya ayaw niyang mag-yaya sa ikalawang anak. Pero, talagang gusto lang daw niya na ma-experience na siya naman this time ang nakatutok sa anak niya. At sabi nga ni Andi, mas mahirap pero masarap daw talaga sa pakiramdam.

Bukod pa sa full breastfeeding din siya.

Career-wise, VIVA artist pa rin daw siya though she has no any network affiliation. Kaya kahit saan, pwede naman siyang gumawa. Though, if ever, movie raw muna sana ang gusto niyang gawin dahil mas gusto pa rin niya ng mas maraming oras kasama ang dalawang anak.

***

AGA MOVIE HIGHLY RECOMENDED NAMIN FOR MMFF

Isa sa puwede naming i-recommend talaga na sana ay panoorin ng buong pamilya sa 2019 Metro Manila Film Festival sa Kapaskuhan ay ang VIVA Films entry na “ Miracle in Cell No. 7.”

Ilang beses naming napanood ang Korean version nito dati pa at umiyak, tumawa but definitely, hindi puwedeng hindi maantig ang puso ng bawat pamilya sa kuwentong ito na ngayon ay ginawan ng Pinoy adaptation ng VIVA with Aga Muhlach and Xia Vigor as the lead.

Tinanong nga namin si Aga kung ramdam na ba niya ang posibleng Best Actor sa portrayal niya bilang mentally-ill father, inosente pero inakusahan ng sexually assaulting at murdering ng batang babae na anak ng isang high-ranking official.

Sabi ni Aga, “Hindi naman ako magde-deny na masarap pa rin tumanggap ng maraming ganyan. Pero, simula’t-sapul, mas mahal ko ang paggawa ng pelikula kesa sa tropeyo. Basta masaya akong gumawa ng pelikula.

“Usually, sa araw na yun, high na high ka, napansin ang performance. But more than anything, ang pinapangarap ko palagi, sana, mapanood nila palagi ang pelikulang ginagawa ko.

“It’s always about that. But most importantly for me right now, I’m very grateful and blessed that we are included in Metro Manila Film Festival and I can guarantee that it’s a very beautiful movie.”

Very proud nga raw si Aga sa nagawa nilang pelikula. At nabanggit din nito na kahit ang orihinal na Korean actor na gumanap dito, si Ryu Seung-Ryung ay nakaka-text niya at masaya rin ito sa ginawa nilang adaptation.

Nag-offer pa raw na ipu-promote rin sila kaya biro ni Aga, how he wished na maipalabas din daw sila sa South Korea.

 

Related posts

Leave a Comment