VICE, ION, 1 TAON NANG MAGKARELASYON

boy abunda(NI BOY ABUNDA )

HINDI  na itinatago sa publiko nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang tunay na relasyon. Madalas na nagkakabiruan ang mga kasamahang hosts sa ‘It’s Showtime’ kung ano ang tunay na namamagitan sa dalawa.

Masayang-masaya ang Phenomenal Unkabogable Star dahil sa estado ng relasyon nila ni Ion. Isang taon nang opisyal na magkasintahan ang dalawa ngayon. “One year na, oo freedom is blessed. It’s liberating, mas masarap kumilos, hindi nakakangawit.

Wala kang iniisip, mas nae-enjoy namin ang buhay. He’s very happy, I’m very happy. Kasi dati ‘yon ang parang iniinda kong sakit eh, ‘yung parang hindi naman ako kayang ipagmalaki ng mga lalaking nakakarelasyon ko, minamahal ko.

Tapos sabi ko ‘yung nararamdaman kong gano’n. Bakit ko ipaparamdam kay Ion, na hindi ko mai-out, at hindi ko masabi nang direktahan at masabi. Kasi siya ang nauna eh, Siya ‘yung nagpo-post sa Instagram noon pa eh, ako bihira eh. Deserve ni Ion ‘to kasi mabuti naman siyang tao. So bakit ko naman siya ikakahiya,” makahulugang pahayag ni Vice.

Malaki ang pasasalamat ng komedyante sa lahat ng mga kapamilya, kaibigan at mga tagahangang sumusuporta sa pagmamahalan nila ng binata. “I am happy and overwhelmed dahil talagang ‘yung reaction nila, ‘Yon ngang post ko sa Instagram, almost eight hundred thousand likes na (agad). Sabi ko nga ang ganda ng suporta ng mga tao. Parang mahal na mahal nila kami ni Ion,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay magkasamang nagbakasyon sina Vice at Ion sa Japan para sa kanilang Halloween break. “Usually, Hong Kong talaga ako ‘pag Halloween, eh ayaw namin ngayon doon kasi natatakot ako, magulo, kaya naghanap kami. Initially Korea talaga so last minute decision ‘yung Japan,” pagtatapos ni Vice. -Reports from JCC-  

Related posts

Leave a Comment