VERSION ‘DI NAGUSTUHAN NG COMPOSER; ERIK SANTOS, TSUGI

ERIC12

(NI SIR NOEL FERRER)

LAST week, bumulaga na lang sa atin ang rant ng Musical Director/ Scorer ng pelikulang “Man And Wife” na si Von de Guzman sa kanyang social media account ng ganito, “And that is why the composer has to be there when his song is recorded. First note pa lang mali na. Nag-imbento ng melody. Mali pa ang interpretation. It’s either hindi narinig ng record producer yun or wala siyang pakialam. Eh rinaket niyo lang eh. “

Sinundan pa ng “Hindi matatapatan ng sino man ang malasakit ng kompositor para sa musika niya.” With hashtags #anghuhusayniyoeh #moviethemesongrecording (with angry emoji).

Ang daming reaction ng thread na iyun pointing to the right process of serving a movie theme song.
And tried getting the full story. We gathered na nagmadali ang producer ng kanta kasi kailangan daw ng song scoring sa cinema at online trailers kaya pina-rush kay Erik Santos ang naturang theme song.

Ang comment ay nag-imbento raw ng sariling tono si Erik na hindi nagustuhan ng composer.
Ang sabi naman ni Direk Laurice Guillen, she wanted to rerecord the song para nag-so-soar ang kanta na pag nilapat na sa pelikula ay magso-soar pang lalo ang mga eksena.

Ang siste ay nasa Amerika pa si Erik at bumalik lang para sa ASAP kahapon. He really couldn’t have revised what he did, because of a schedule problem – at palabas na ang pelikula sa Wednesday. Need ipa-approve sa MTRCB ang final copy ahead of time.

And so, production had to take another singer in the person of Dulce’s son David Ezra.

Mukhang masaya naman ang reaksyon ng mga taga produksyon dito kaya napa-post pa ang Asia’s Diva na si Dulce ng “I’m sooooo proud of you anak David Ezra. I had to pause it muna on first stanza kasi unang linya pa lang hagulgol na ako anobayan!!!!!  Thank you Sir Von De Guzmán. Thank you Direk Laurice Guillen.

Sana makatulong nga itong usaping theme song sa kahihinatnan ng “Man And Wife” sa takilya this Wednesday.

Good luck!

And I thank you!

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment