‘THE GHOSTING’ NINA ANDREA, KHALIL SUMAKAY SA ISYU NI BEA-GERALD?

(NI ROSE GARCIA)

PUWEDENG isipin na nakikisakay ang bagong pelikula ng Reality Films na “The Ghosting” sa isyu nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto.

Pero may karapatan ang pinagbibidahang movie na ito ng mga Kapamilya stars din na sina Andrea Brillantes at Khalil Ramos dahil tungkol talaga sa ghost ang movie at ang genre ay horror.

Naglabas na ng trailer ang Reality Entertainment lalo na at sa August 28 na ang showing nito.

In the movie, Ken (Khalil Ramos) knew that Grace (Andrea Brillantes) met the little girl but dismisses it as coincidence. The red house doesn’t exist, the curse is not real.  Ken believes the girl and the house have something to do with weird deaths in the neighborhood including Grace’s eventual disappearance. But of course no one else believes him.

Ang The Ghosting ay magsisilbing debut ng isa sa mga Reality Entertainment’s promising directors na si Joey de Guzman.

KIM O PAMELA ANG MAGIGING ULTIMATE SURVIVOR

Sina Pamela Prinster at Kim de Leon ang tila malakas ngayon among the Top 8 hopefuls na natitira sa StarStruck batch 7 at nananatiling matatag.

Pinanood namin ang ilang episodes ng StarStruck, pati na yung sa Youtube kunsaan, si Kyline Alcantara ang online host, mukhang ang pagiging natural ni Kim ang nakakapagpa-endear sa kanya. Natural din ang ipinapakita nitong pag-arte.

At nang tanungin namin ang ilang girls kabilang na rin si Pamela, si Kim ang mabilis na binanggit nito sa nakikita niyang posible raw na maging StarStruck 7 ultimate survivor.

Si Pamela ay ganun din among girls, although malakas din si Lexi Gonzales.

Naging kontrobersiyal si Pamela dahil sa naging isyu nila ni Rere Madrid, kapatid ni Ruru Madrid. Hindi naman nito itinanggi na nagkaroon talaga sila ng sobrang misunderstanding. Pero na-appreciate niya raw nang lumapit ito after a week at makapag-usap sila.

All’s well na raw sa kanilang dalawa at isa raw siya sa sobrang umiyak nang ma-eliminate ito.

Anyway, top 8 na lang nga ang natitira sa StarStruck batch 7 kaya ramdam raw nila ang mas matinding pressure ngayon.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment