TAPATANG COCO AT DINGDONG ROUND TWO NA

DINGDONG-COCO

Nalalapit na ang pagtatapos ng Kapuso primetime series na Beautiful Justice, na katapat ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ano naman kaya ang itatapat ng GMA 7 sa teleserye ni Coco Martin?

Malamang sa alamang, Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Tinapatan na noon ang FPJ’s Ang Probinsyano ng Cain at Abel nina Dingdong at Dennis Trillo. If ever, round ito ito ng tapatang Coco-Dingdong.

Bet ba ng Kapuso Primetime King na makipagsalpukan muli sa Hari ng Telebisyon? Why not hazelnut ngayong nakabinbin pa rin ang renewal of franchise ng ABS-CBN, at posibleng sa Marso ay matigil na ang operasyon ng Dos?!

SUPORTADO NI LEA SALONGA ANG SIGNATURE CAMPAIGN SA RENEWAL NG ABS-CBN’S FRANCHISE

May signature campaign para ma-renew ang franchise ng Dos. Suportado iyon ni Lea Salonga.

Makalikom man iyon ng isang milyong pirma, lalambot ba ang puso ni Pangulong Duterte?

Kung hindi DOTS ang tatapat sa FPJ’s Ang Probinsyano, makikipagpingkian dito ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

If ever, round  two rin ito ng labanang Coco vs Barbie. Nakipagbakbakan noon sa FPJ’s Ang Probinsyano ang Kara Mia nina Barbie at Mika de la Cruz.  (JEERRY OLEA)

Related posts

Leave a Comment