SI DIREK CATHY ANG MOTIVATION NI ALDEN

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

ANG direktor nila sa Hello, Love, Goodbye na si Cathy Garcia-Molina ang naging motivation pala ni Alden Richards para magpursigeng magpapayat.

Kwento ni Alden sa presscon ng first team-up movie nila ni Kathryn Bernardo last Tuesday night sa ABS-CBN Dolphy Theater, sa look test pa lang daw nila ni Kathryn for the movie, napansin na niyang may hinahanap sa kanya si direk Cathy.

“During the look test po, we did a couple of looks, kami po ni Kath, actually, more on my part po, well, si Kath din po, nagpalit. Parang nakikita ko na po si direk, parang may hinahanap. Parang naghahanap po ng panga,” pagre-recall ni Alden.

After several test shots, hindi na raw napigilan ni direk Cathy at diretso na siyang sinabihan. “Alden, halika dito, tingnan mo ang taba mo,” sabi raw ng lady director.

Pero sa halip na ma-offend ay ‘yun daw ang naging driving force niya para talagang magpapayat. Sinabi raw niya kay direk na the next time na magkita sila ulit ay hindi na ganu’n ang hitsura niya.

After the look test kasi ay may one month preparation pa raw sila para sumabak sa shooting kaya ginamit niya ang isang buwan na ‘yun para magpapayat.

“And he kept his word,” sabi ni direk Cathy.

Around 20-25 lbs daw ang nabawas sa kanyang timbang in a month and half’s time.

“Sarili ko pong program. I never asked any help. I just did my own work-outs, did my own meal diet. So, kaya ko pala siyang mag-isa,” proud na sabi pa ni Alden.

Nagbiro nga si Alden na ang last project daw kasi niya before Hello, Love, Goodbye ay Victor Magtanggol and that time he had to gain some muscles, pero ang na-gain daw niya yata ay taba.

“Marami po akong naging discoveries sa sarili ko with this movie and I’m really happy I was able to work with these amazing people and amazing director. Kasi binago po ni direk ‘yung the way I see my work now. Na hindi pwedeng half-baked ang commitment. Kailangang pag may ginagawa ka, ibuhos mo lahat,” he said.
Doing this film made Kathryn and Alden and even direk Cathy na pwede naman palang magsama ang Kapamilya at Kapuso stars.

“Masaya kami ni Alden dahil nakita namin dito sa movie na parang nawala ‘yung hati ng Kapuso at Kapamilya,” sey ni Kathryn na inayunan naman ni Alden.

“Yes po, parang ang sarap po ng (pakiramdam). Of course I’m very thankful to GMA kasi medyo ang haba po talaga ng proseso bago naging ganito.

“May hindi po ako makakalimutang sinabi ni direk Cathy when we were in the storycon, when we were being interviewed by the TV crew, nang nun’g makita po ni direk na magkatabi ‘yung mic nun’g ABS at GMA, sabi niya, ‘ay, pwede pala.’

“So, sana po, ito ‘yung mag-start ng collaboration ng different networks, different artists, actors na sa isang project magsama and to be able to tell a good story to the audience,” pahayag ni Alden.

Nang tanungin kung pwede rin bang makita si Kathryn na mag-cross-over sa GMA network, anang young actress, “ako, okay po sa akin. Kung payagan po nila, di ba? I would love to cross-over naman.”

Showing na ngayong July 31 ang Hello, Love, Goodbye mula sa panulat ni Carmi Raymundo hatid ng Star Cinema. Kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Maymay Entrata, Kakai Bautista, Jameson Blake at marami pang iba.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment