SHARON IIWAS SA UMIINIT NA PULITIKA NG BANSA

(NI ED DE LEON)

“MUKHANG mapapaaga nga yata ang retirement ko,” ang may halo pang pagbibirong post ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account matapos na mag-post siya ng dalawang pictures ng mga bahay na may snow sa paligid.

Sa nauna niyang post ng isang malaking puting bahay, na may mga dekorasyong pamasko at napapalibutan ng snow, sinabi niyang iyon ang pangarap niyang buhay, iyong manirahan sa isang lugar na hindi pa niya nararating at may snow kung panahon ng winter.

Nauna roon, nilinaw ni Sharon na maayos naman ang pagsasama nila ng asawang si Kiko Pangilinan, taliwas sa sinasabing sinabi raw ni Presidente Duterte na gusto na niyang palayasin ang kanyang asawa sa kanilang bahay.

Sinabi niyang kung sinabi nga iyon ng kanyang “Tatay Duterte” hindi niya alam kung saan iyon nakuha ng Pangulo.

Hindi rin naman siguro makapag-react nang husto si Sharon dahil hindi maliwanag kung sinabi nga iyon ng Presidente o kung ganoon nga ang pagkakasabi niya. Marami ang nagtataka na kung sinabi nga iyon ng Presidente, bakit nga ba hindi nakuha ng mas malalaking networks, at wala iyon sa kanilang inilabas na speech ng Pangulo sa parehong okasyon?

Wala rin namang nag-post ng video mismo ng statement na iyon.

Pero siguro hindi nga maikakaila na umiinit na ang sitwasyon sa pulitika, at nararamdaman na rin naman iyan ni Sharon, kaya siguro gusto na muna niyang mangibang lugar habang hindi pa favorable sa kanila ang sitwasyon.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment