SHAINA AT PIOLO, MAY PAST AT PRESENT

shaina12

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

HINDI naman itinanggi ni Shaina Magdayao na nagkaroon sila ng pagkakataon ng nali-link dito na si Piolo Pascual na lumabas o magkasama nang pareho silang umattend sa Cannes Film Festival sa France.

Sila ang nag-represent sa pelikulang “Ang Hupa” film ni Lav Diaz.

“Marami po, marami… marami kaming nandoon. Actually, maraming producers na Filipino na nagpunta ron, pati directors, nagpunta po.

“Malaki-laki ang delegation this year. Oo, may oras po… pero yung oras sobrang hectic at kailangan mong magpakilala. Unfortunately, yung director namin, he’s in Cuba, yung school sa Cuba, hindi siya napabayaan.

“So nasa amin ang pressure pero wala e, grabe yung paniniwala ng director namin na kaya namin.”

May ilang pictures nga na lumabas na nakita rin na magka-holding hands ang dalawa.

Matagal na silang nali-link sa isa’t isa at katulad ng title ng pinagbibidahan at mapapanood na iWant ni Shaina, ang “Past, Present, Perfect” saan na nga bang kabanata ng buhay niya ang actor.
“Nasa present, nasa past. Fortunately, magkasama kami sa Cannes. Hindi rin naman namin naisip na makakarating kami sa Cannes.

Sabi pa niya, “Nilagay siya ni Lord sa past ko, nandiyan din siya sa present ko.”
Itinanggi rin ni Shaina na nagkaroon nga ng “something” sa kanilang dalawa.
Aniya, “Hindi ko alam ang future. Pero nagpapasalamat ako na nandiyan siya sa past at present ko.”

Sa isang banda, maraming baon si Shaina mula sa naging karanasan niya sa Cannes Film Festival in France.
Ayon dito, “Kapag tinatanong sa akin, how was your experience? I think it’s overwhelming. Yung crowd from Hollywood to Bollywood to Asian filmmakers.

“It opened my eyes to different world so ngayon, parang gigil na gigil tuloy akong mag-trabaho at parang gusto kong sabihin na kung kaya nila, kaya rin ng Filipino.”

LOISA MATAPANG SA MURANG EDAD NIYA

Bukod kay Shaina Magdayao, bida rin sa iWant’s “Past, Present and Perfect” si Loisa Andalio.

Inamin nito na broken family na sila dahil naghiwalay ang mga magulang niya.

Isa raw ito sa recent past niya lang or present pa rin na masasabi na pinagdadaanan niya.
“Sa parents ko, hiwalay na sila. Bago lang, ngayong March lang. Pero dahil sa nangyari, tinuruan din akong maging matibay.
“Since I’m the breadwinner, naging matatag ako. Hindi mo puwedeng dalhin sa trabaho ang problema mo.”

Naluha naman si Loisa nang matanong ito tungkol sa naging recent controversy niya. Pero hindi na niya ito nagawang sagutin.

Pero sabi nga, mukhang matapang ito sa murang edad at never na sumuko sa hamon ng buhay.

 

Related posts

Leave a Comment