SEN. BONG PURSIGIDO KAY PIA WURTZBACH

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

PURSIGIDO talaga itong alaga kong si Sen. Bong Revilla na gumawa ng pelikula kasama si Pia Wurztbach.

Hindi ko lang alam kung kasama pa rin diyan si Robin Padilla, pero willing siyang hintayin ang availability ng Miss Universe.

Kung medyo maluwag na raw ang schedule niya sa next year, tamang-tama lang daw dahil iyun na rin ang target nilang magsimula sa paggawa ng pelikula.

Pero alam  ko may commitment pa si Pia sa Star Cinema sa pelikula nila ni Vhong Navarro. Hindi pa raw matapos-tapos iyun dahil na rin sa schedule ni Pia, kaya siguro tatapusin pa muna niya yan.

Ang bongga ni Pia huh! Hindi niya alam ngayon kung alin ang uunahin niya, ang kay Vhong o kay Bong!

Na-inspire kasi si Bong na gumawa na ng pelikula dahil maganda ang feedback sa mga pelikula niyang ipalalabas sa GMA Blockbuster tuwing Linggo ng hapon.

Nung last Sunday lang ito nagsimula na kung saan ipinalabas yung Dugo ng Panday niya, mataas ang rating at for the first time, natalo nito ang pelikula ni FPJ.

Mahirap kasing talunin ang mga pelikula ni FPJ na kahit paulit-ulit, pinapanood pa rin.

Siguro na-miss pa rin naman talaga si Bong ng mga fans niya kaya gustung-gusto na nilang mapanood ito sa TV o sa pelikula.

Siguro next year, okay na ring bumalik na si Bong sa showbiz dahil sabi nga niya, iyun naman talaga ang first love niya.

DATU BARON NA BA ANG DAPAT ITAWAG NATIN KAY GEISLER?

Paano na pala natin tawagin si Barong Geisler, Datu Baron na?

Eh nung nag-Take It per Minute me Ganun kami nina Cristy Fermin at Mr.

Fu nung nakaraang Martes, dumaan dun si Jerry Olea. Naikuwento nga niya sa amin na pupunta raw siya sa seremonya na kung saan gagawaran si Baron ng pagkilala na isa na siyang Datu.

Ang nagkaloob daw nito sa kanya ay ang royal family na sina King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panalino Abdurajak.

Nakakaloka! Hindi ko sila kilala kahit napakahaba ng pangalan nila. Pero sabi nila, sila raw ang tagapagmana ng trono ng Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneo.

May ganun palang kaharian? Hindi ko knows yan mga bakla!

Pero kung ano man yun, baka maganda ang magagawa nito kay Baron dahil sabi nga niya, narinig lang daw ang testimony niya sa isang birthday nitong royal family na ito na sinasabi niyang malaki ang nagawa ng Diyos sa kanya para magbago.

Ngayon ay reformed Baron na siya, kaya pinagkaluuban ito ng Certificate of Royal Appointment and Recognition na may medalya pa at singsing with matching royal ID.

Kaya si Datu Baron Frederick van Geisler na ang turing sa kanya na isa  na raw siyang Ambassador for Peace and Prosperity.

Doon na rin sinagot ni Baron ang tungkol sa napabalitang babaliks siya sa rehab at nagpaalam na raw ito sa Ang Probinsyano.

Sabi niya, tuloy pa rin daw siya sa Ang Probinsyano at pumupunta lang daw siya sa dating pinag-rehab niya para magbigay ng talk at nagka-counseling pa rin.

May mga times daw kasing nadi-depress siya, kaya pumupunta siya roon para makipag-usap sa kanila dun.

Sabi ni Baron sa interview sa kanya ni Jerry; “Whenever I feel depressed, or ina-attack ako ng bad elements, ng demonyo…I have a spiritual family to go to. It’s a house. Penuel Home. We pray. May structure.

“I just go there. I’m a gradute there kasi. So, I’m always welcome.

“So, siguro, people na-misconstrue.”

Sana nga tuluy-tuloy na itong pagbago ni Baron ngayong may posisyon na siya huh!

Magaling pa naman siyang aktor at talagang nagmarka siya sa Ang Probinsyano.

RAYVER AT JULIE ANNE MAY CHEMISTRY 

Marami pala ang nakapansin na may chemistry raw sina Julie Anne San

Jose at Rayver Cruz.

Wala kasi ako dun sa mediacon ng The Clash na nasa second season na. Pero iyun ang sinasabi ng mga bakla dun na bagay silang dalawa.

Nakita kasi yan sa Studio 7 na bagay silang tingnan sa Duets with Me na segment nila.

Kaya kahit nandiyan pa ang Studio 7 tuwing Sabado, sila pa rin ang kinuhang The Clash Masters sa second season ng singing competition na ito.

Sabi ni Julie Anne; “Kasi one of the factors po talaga na kailangan sa isang show ay magkaroon ka ng chemistry dun sa mga katrabaho mo.

“Hindi naman po mahirap katrabaho si Rayver.”

Dugtong naman ni Rayver; “Ang bilis kasi namin  mag-jive. Sa mga prod numbers, natuwa ang mga tao.

“Naging close pa kami sa Studio 7.”

Tuloy pa rin ang mga original na Clash panel na sina Aiai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.

Sina Ken Chan at Rita Daniela naman ang Journey hosts.

Ang layo na nang narating nitong tandem nina Ken at Rita ha?

Meron pa silang primetime series na One of the Baes na malapit na ring magsimula.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment