RUFA MAE: ‘PAG-AARTISTA ANG INASAWA KO FOR SO LONG!’

rufamae123

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MALAKI na raw ang ipinagbago sa personal na buhay ni Rufa Mae Quinto mula nang magkaroon ng sariling pamilya. Bilang isang ina ay maraming mga bagay na ang natutunan ng aktres.

“Nag-change siya kasi meron na akong life besides show business. Kasi ang naging buhay ko talaga pag-aartista eh. Siyempre may family ako pero ang pag-aartista ang inasawa ko for so long. So ngayon, ‘yung binigay na ‘yung anak ko, medyo matagal naman na akong nakapag-artista, marami na akong napatunayan, nagawa,” paliwanag ni Rufa Mae.

“No’ng nag-anak na ako ngayon, iba naman ‘yung feeling. ‘Yung parang never ka na mag-iisa, never kang walang gagawin, hindi ka pwedeng magutom, hindi ka pwedeng maglasing nang sobra-sobra. Kasi baka kailanganin ka, kailangan gising ka ‘pag kinailangangan ka, kapag umiyak. ‘Yung parang inaayos din ng anak ang buhay ng ina,” dagdag pa ng sexy actress.

Samantala, ikinalungkot din ni Rufa Mae ang pagbibitaw ni Liza Soberano sa pelikulang Darna. Hindi na itutuloy ni Liza ang pagganap bilang Darna dahil sa tinamong injury sa daliri noong isang taon. “I’m sorry to hear that na ‘yung kamay niya nabakle. Sayang naman,” pahayag ng aktres.

Matatandaang sumikat nang husto si Rufa Mae nang magbida sa pelikulang ‘Booba’ noong 2001 dahil talagang lumabas ang talento ng aktres sa pagpapatawa sa nasabing proyekto. Pagkatapos nito ay gumanap din si Rufa Mae bilang si ‘Super B’ noong 2002 kung saan ay isa naman siyang super heroine.

Para sa aktres ay posibleng pagsamahin o magsanib-pwersa sina Darna at Super B ay isang kakaibang pelikula. “Baka pwede pa naman? Back to back, baka pwede si Super B at si Super D. Ako pwede ako kahit ano basta text n’yo lang ako. Basta magagandang proyekto okay ako. I’m open to be working with anyone, anywhere,” natatawang pagtatapos ng sexy comedienne. -Reports from JCC-

 

 

 

Related posts

Leave a Comment