RONNIE PILOTO NA; THANKFUL KAY SARAH

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MASAYANG-MASAYA si Ronnie Liang dahil natupad na ang pinapangarap niya lamang noon na maging isang piloto.

“Ngayon ang pinapalipad ko pa lang ‘yung two-seater aircraft. So darating din ‘yung panahon na palaki nang palaki ang papaliparin ko.

Iba’t ibang training po kasi bawat stage,” bungad ni Ronnie.

Ayon sa singer ay inilihim pa niya noon sa mga magulang ang tungkol sa kanyang pagiging piloto. “Very proud in a way ‘yung tatay ko na nagpipiloto ako ngayon. Nakita niya lang balita, hindi ko kasi sinasabi. Kasi ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko sasabihin hanggang di ako nakakapasa and then doon na lang nila nalaman. Tinext
ako ng tatay ko, sinabi niya na, ‘Ronnie, congratulations! I’m very proud of you. Nagpipiloto ka pala daw.’ Doon lang niya nalaman sa news.

Kahit before pa na nag-audition ako (Pinoy Dream Academy) hindi  ko sinabi para kung sakaling hindi ako matanggap, ako lang makakaalam,” kwento ng binata. Kahit abala na sa pagiging isang piloto ay hindi pa rin naman daw iiwan ni Ronnie ang pagkanta at ang pag-arte. “Tuloy-tuloy pa din po ako. Nag-shoot pa ng pelikula under Viva Films. Then concert, tapos recently nag-concert kami ni Sarah Geronimo sa Cavite and sa Baguio,”
pagbabahagi niya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Ronnie kay Sarah Geronimo dahil sa palagi niyang pagkakasama sa mga concert ng Popstar Princess. “Nagpapasalamat ako kay Sarah sa pag-guest niya sa akin sa mga concert. Soon po maglalabas ako ng collaboration with Sarah for online release. And on November 8 naman sa Music Museum. That’s my solo
concert so guest artist ko si Sarah. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya kasi pumayag po siya na mag-guest,” pagtatapos ng singer. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment