REGINE, MARIAN PATULOY NA BINA-BASH NG NETIZENS

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

KUNG ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay nabash-bash dahil sa nasabi niya sa kanyang Youtube channel tungkol sa Payatas, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera naman ay naba-bash din dahil sa traffic.

Nakakaloka rin naman talaga kasi ang netizens. May ma-mema lang. Lahat na lang, mali sa kanila.
Nandoon kami sa press launch ni Marian bilang very first endorser of Waltermart at tinanong ito kapag nata-traffic, ano ang ginagawa. Sobrang wala kaming makitang mali o masama o anumang kanegahan sa naging sagot ni Marian.

Aba, e, hindi naman niya minura ang traffic. Hindi naman siya nag-comment ng masama sa gobyerno dahil sa hindi masolusyunang problema sa traffic.

May pagka-disimulado nga kasi ang headline na lumabas sa isang online site na ginamit ang interview ni Marian.

Pero yun lang, na-edit na rin pati ang tanong. At the same time, nilagyan ng title na “super rich.”

Nakausap namin si Marian noong Linggo nang magbalik na ito sa sunday show niya na Sunday PinaSaya. At the same time, may special segment din ng ine-endorso niyang Kopiko coffee.

Hindi pinalampas ni Marian ang pambabash sa kanya ng ilang netizens. Nag-post na ito sa kanyang Instagram account.

Sey niya, “Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kaniyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon. Ang tanong po kasi during the interview —kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip— ay naka-tuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin— at sa akin lamang. I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted…

“Hindi ko po nilalahat at lalu nang ginawang pangaral sa publiko ang aking pahayag…

“Kung sana’y naging mas responsable lang ang Philippine Star sa kanilang headline at sa hindi pag edit ng tanong sa umpisa ng original video, hindi ako ma-tatake out of context…

“Pinaninindigan ko po ang aking sagot and i take full responsibility, pero humihingi rin ako ng paumanhin sa mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang— hindi ko po nais na gawin ito sa inyo. Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakararami…

“Alam ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay— wala pong may gusto nito. “Peace everyone . At sabi pa ni Marian na hindi raw siya super rich, “may kaya” lang.

“PS. Hindi po ako super rich, gaya ng sabi ng Phil Star. Maykaya, opo, dahil pinaghirapan ko po yun.”
Dahil sa post na yun ni Marian, pinuri ito maging ng mga kapwa niya artista at halos iisa ang kinomento na “very well said.”

ALICE AGA BALIK-BIDA

Muling magbibida sa pelikula si Aga Muhlach after ng isa sa well-praised at box-office movie niya na Seven Sundays noong 2017.

Ang movie ay ang “Nuuk” kung saan, kapareha niya ang aktres na si Alice Dixson at under the direction of Veronica Velasco.

Ang Nuuk ay produced ng VIVA Films at mapapanood na sa November 6.
Nag-presscon na ang movie at nakatutuwa sina Alice at Aga dahil alam mong napaka-kumportable nila sa isa’t-isa. Kuwento pa ni Alice, napasayaw niya raw ang leading man ng mga moves nito noong 80’s.

Isa si Aga sa mahusay na dancer talaga. At mapapanood yun sa You Tube channel ng actress.

Excited naman na kaming mapanood ang movie na sa unang pagkakataon ay mapapasilip ang Greenland kung saan matatagpuan ang Nuuk.

Twenty one days sila nag-shooting sa Nuuk at dalawang araw lang sa Pilipinas.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment