RAKET NI MARTIN, NAPUNTA KAY POPS

martin200

NASA element pa rin niya ang idol naming si Martin Nievera nang makapanayam ng mga press people sa Luxent Hotel Ballroom kahapon Jan. 29, 2019.

Parang nanood lang ako ng ASAP Live. O kaya replay ng M.A.D. Martin After Dark.

O kaya Penthouse Live.

Playful and talkative Martin.

What we love the most about him.

Aside of course for his voice in his hit songs. First in the list is Be My Lady.

Sa Feb. 14, 2019 na Timeless Classics Valentine show nila ni Lani Misalucha ay kakantahin ni idol ang mga paborito naming pakinggan at kantahin.

Sa press con na yon nina Martin at Lani, nalaman namin na sobrang puno ang schedule ni Martin for his concerts around the world kaya ang natuka dapat sa kanya na pagdya-judge sa The Worlds Best Artists TWBA along with 50 Best Performers Around the world ay napunta sa ex-wife niyang si Pops Fernandez.

Dahil sa recommendation ni Martin kaya pasok  si Pops sa popular show.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment