PINATUNAYAN NG HELLO, LOVE, GOODBYE  NA KIKITA ANG MOVIE KUNG …

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AYAN maliwanag iyan ha, nag-opening ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards noong araw ng Miyerkules. Papaano ngayon sasabihin ng mga nagmamarunong diyan na ang pelikula ay kikita kung Biyernes ang opening? Iyong pelikula nina Kathryn at Alden, ipinapalabas sa 350 sinehan. Papaano ngayon sasabihin ng iba riyan na ang binibigyan ng priority ng mga sinehan ay mga pelikulang Ingles lamang at ang pelikulang Pilipino ayaw ilabas?

Makikita ninyo ngayon na sinusuportahan ng mga may-ari ng sinehan ang pelikulang Pilipino. Isipin ninyo, ibinigay nila ang 350 sinehan nila sa isang pelikula lamang para kumita nang mas malaki sa mga unang araw ng showing. Bakit Marvel ba ang producer ng Hello,  Love, Goodbye?

Maliwanag na kaya hindi nakakakuha ng sine ang marami sa kanilang pelikula at tinatanggihan ng mga sinehan ay dahil hindi kumikita ang mga iyon, madadamay lang ang sinehan sa lugi. Wala ring nanonood ng mga iyon, dahil sino ba ang gagasta ng halos P300 para manood ng pelikulang hindi mo naman gusto? Ang nanonood lang niyan sila-sila rin, at may mga MTRCB cards iyang mga iyan kaya libre sila sa sinehan. Papaano ngang kikita iyon?

Hindi sila matalino. Kasi kung pag-aaralan mo ang history ng pelikulang Pilipino sa nakaraang 100 taon, dapat alam mo kung anong klaseng pelikula ang gustong panoorin ng mga Pinoy. Eh hindi eh, gumagawa sila ng pelikula na ang nakakagusto ay sila rin lang, tapos sasabihin may krisis. Hindi totoong may krisis. May kabobohan, dahil hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawing pelikula.

Huwag ninyong sisihin ang artista kung hindi kumita ang pelikula. Kukuha kayo ng walang mga fans, kung mayroon man iilan. Gagawin mong bida sa pelikula, natural walang manonood, Sino ngayon ang bobo? Sino ba ang bumuo ng casting?

Pag-aralan nga muna ninyo ang pinagsasabi ninyo. Nakakahiya na.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment