PIA LILIPAT NA SA BAGONG PUNDAR NA BAHAY

pia123

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

SA nalalapit na Mahal na Araw ay walang planong magbakasyon si Pia Wurztbach. Abala ang Miss Universe 2015 ngayon sa paglilipat ng mga gamit sa bagong bahay na kanyang naipundar.

“Actually I’m transferring to my new home now. I’m at the process of naglilipat ako ng mga gamit. So I’ll be focusing on that. So for Holy Week, I’ll be staying here. Because I have to move all of my stuff. I can’t wait to reveal it with everyone also.  I want to share it with everyone,” nakangiting pahayag ni Pia.

Hands-on daw ang beauty queen sa design ng kanyang bagong bahay. Masayang-masaya rin ang dalaga dahil mayroon na siyang naipundar mula sa kanyang mga pinaghirapan.  “I have an interior designer working with me. But this is the first home na sa akin talaga, that I own. And it’s a nice feeling to be able to say na I have my own space. I have my own home. And to have the choice of decorating or choosing the color pallet, or choosing the furniture like every corner I look at. So it’s a nice feeling and I hope to share it with you guys very, very soon,” paglalahad ng dalaga.

Samantala, nagbigay ng payo si Pia para sa lahat ng mga nangangarap na makamit ang tagumpay. Aminado ang beauty queen na talagang nakaranas din siya ng hirap noon. “Just to keep fighting on, especially if you have a dream.

Kung meron kang vision, you’re already half way making it come true. There’s nothing worse than not having a dream. If you have a dream, just keep working at it. Guys, hindi ko rin akalain na mangyayari sa akin ito. If you look back few years ago, natatalo ako sa Binibini (Binibining Pilipinas), wala akong pera, nahihirapan ako. Hindi ko alam kung paanong gagawin ko. Lumalaban ako, like I kept fighting on. And then I won Miss Universe then these things happened to me.

You really don’t know where life can take you. So my advice to everyone is just keep looking forward, just keep moving forward. Don’t get distracted by the things around you. Dapat focus on your dream,” pagtatapos niya. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment