PELIKULA NI ROBIN, ARJO LAGAPAK SA TAKILYA

robin200

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MALAS ba ang taon ng “baboy” sa industriya ng pelikulang Pilipino? Aba hindi naman daw ganoon sabi ng aming kaibigang si Madam X, basta huwag lang bababuyin ang pagkakagawa at pagpo-promote ng pelikulang Pilipino.

Naitanong namin iyong kaibigan naming manghuhula at feng sui guru dahil mukhang baboy na baboy ang pelikulang Pilipino sa takilya simula noong pumasok ang taong ito. Unang bagsakan pa lang eh, na-tokwa iyong pelikula ni Jose Manalo, na pagkatapos ng ilang araw pinalitan noong Jack Em Popoy na kumita na noong festival. Inalat din nang husto iyong pelikula nina McCoy de Leon at Elisse Joson. Kasi masyado naman silang tiwala na kaya na ng mga baguhang ganyan na magdala ng pelikula. Ang gustong mapanood ng mga tao stars.

Isipin ninyo, may balita pang mga senior citizens daw na libre na ngang pumasok sa sine, nag-walk out pa sa kalagitnaan ng pelikula “dahil wala raw silang nakitang artista”.

Ito namang linggong ito, balibag si Robin Padilla. Balibag din ni Arjo Atayde. Pero hindi dapat na magsaya ang mga “dilaw” na nag-boycott kay Robin, o iyong Aldub na nag-boycott kay Arjo dahil sa tingin namin talagang hindi kikita iyan kahit na hindi sila nag-boycott.

Iyon din namang pelikula nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, mukhang ilang piso lang ang kinita. Kasi piso na nga lang sinikreto pa eh.

Kung kami ang tatanungin, palpak kasi ang promo ng kanilang mga pelikula. Basta na lang sumulpot nang ni hindi nabalitaan ng mga tao na ginagawa pala o kung papaano ginawa. Noong araw, nagsisimula pa lang ang pelikula, may press visit na sa first shooting day. Maya’t maya nai-interview ang mga artista kung ano na ang nangyayari sa pelikula. Eh ngayon parang ayaw pang ipakausap sa press ang mga artista eh, kaya pagkatapos ng presscon, itinatakbo na papalabas ng mga handlers nila.

Iyong iba namang producers, ni ayaw gumastos sa ads. Ipinalalabas na lang ang kanilang ad layout nang libre sa Facebook. Mabuti nga hindi pa nabubuko ng Facebook na ginagamit sila sa free rides eh, kung hindi aalisin iyan ng Facebook. Hindi rin kaya ng mga bloggers lang. Sino ba ang seseryoso sa sinasabi ng mga taong hindi naman nila kilala at umaakto pang akala mo kritiko ng pelikula? Ano ba ang nalalaman ng mga iyan?

Habang pati promo ay kinukuripot nila, kagaya rin ng production budget ng mga ginagawa nilang indie, hindi kikita ang mga pelikula nila.

*****

Buntis na naman pala si Andi Eigenmann, at ang tatay ay ang boyfriend niya ngayon si Philmar Alipayo. Si Andi naman mismo ang naglabas ng balitang iyan at mukha ngang magli-live in na sila nang tuluyan ng kanyang boyfriend, dahil may sinasabi siyang lilipat na sila sa kanilang bagong bahay.

Iyong anak na panganay ni Andi, si Ellie, ay anak naman niya kay Jake Ejercito.

Related posts

Leave a Comment