PARTNER NG YUMAONG SI GEORGE MICHAEL, ITINUTURING SIYANG ‘BIG MISTAKE’

Christmas Day 2016 nang mamatay ang “Careless Whisper” singer na si George Michael, isa mga hinahangaan kong singer-songwriter. He was only 53. The genius died of fatty liver (at least , that’s the official cause). Ang nakakita sa kanyang walang buhay na katawan sa kama ay ang partner niya noon na si Fadi Fawaz.

Up to that point, ang mag-partner ay tila wala namang problema sa kanilang relationship. Pero ang mga sumunod na panahon matapos ang pagkamatay ng half of the Wham! duo, nagbago ang lahat.

At ang latest ay ang Facebook post ni Fadi nitong Miyerkules lang. Na-shock na naman ang fans and followers ni George Michael  dahil sa panibagong rant na ito. Post ni Fadi: “”What a big mistake George Micheal was in my life. But we all live to learn or die to teach.”

HINDI INVITED SA LIBING NG SISTER

Bakit may biglang ganitong outburst si Fadi laban sa namayapa niyang lover?

Ang 46-year-old art dealer na si Fadi ay na-ban sa libing ng sister ni George Michael na si Melanie Panayiotou na coincidentally ay sa Christmas Day din pumanaw, sa edad na 55.

Ngayong linggo lang ito inilibing si Melanie, matapos paglamayan ng isang buwan. Banned si Fadi sa funeral rites dahil nakasamaang niya ng loob ang pamiya ni George Michael nang magkademandahan sila sa mana ng £98-million (Php65-billion) estate ng iconic singer-songwriter.

Sinabihan daw ito na “stay away from the funeral of the singer’s sister.”

Sabi sa mga reports mula sa sources na malapit sa pamilya ng singer, nahirapan si Melanie na matanggap ang pagkamatay ng kuya niya.

SQUATTER SA MANSION

Ang alitan sa pagitan ni Fadi at ng pamilya ni George ay sumabog nang arestuhin ito noong July 2019 “for suspected criminal damage” nang mag-squat ito sa £5million mansion ng namayapang singer.

Sabi sa mga reports noon, walang ginawa itong si Fadi kungdi ang magdala ng “stress, sadness, and problems” matapos pumanaw si George.

At si Melanie raw ang pinaka-apektado ng mga gawain niyang ito.

MUKHANG NAPAPRANING

Nitong mga nakaraang buwan, nagpapalit-palit ng hotel si Fadi sa London, at sa mga pinagsasabi nito sa kanyang mga kaibigan, tila ba ito’y napapraning.

Nariyan yung hinala niyang may pumapasok sa hotel room niya kapag wala siya roon. Sinabi niya rin na may naglagay daw ng sex drug sa inumin niya.

HIV POSITIVE AT BORING SA KAMA?

Noong October 2019, nabigla ang lahat nang mag-tweet si Fadi ng: “George Michael was HIV+” Ilang minuto ang nakalipas, may sumunod pang tweet: “We found out in Vienna after his illness.” At sinagot pa nito ang isang fan ni George: “And sex with him was so boring…”

TINULDUKAN NA ANG RELASYON SA PAMILYA NI GEORGE

At kahapon lang, January 31, may pahabol pang FB rant si Fadi habang sinusulat natin ito. Nagsalita na ito nang patapos, at tila pinatatamaan ang pamilya ni George Michael. Sabi niya, “You all will never ever be part of my life again. And I am to prove that to you if u ever dared to. Just saying.”

Taray!

 

Related posts

Leave a Comment