PARADE OF STARS:  ARTISTA, FANS NALIGO SA ULAN

mmff200

(Ni KC GUERRERO)

HINDI inalintana ng daan-daang fans ang malakas na pagbuhos ng ulan at pagka-delay sa inaasahang oras ng Parade of Stars na ginanap kahapon sa Paranaque City. Nang makitang basa na ang mga nakapilang tao, hindi na rin nagdalawang isip pa ang ilan sa mga artistang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival na lumabas ng kanilang sasakyan at kamayan ang mga tagahanga. Nagsuot ng kulay dilaw na kapote, bumaba ang ilan sa kanila para malapitan ang mga nagtiyagang fans. Nakadagdag din sa pagka delay ang mga nabalahong floats na ilang oras din ang itinagal bago naiahon sa putik.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment