PALPAK ANG DAMAGE CONTROL NG TEAM JULIA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

LAUGH kami nang laugh Tito KC, at kamuntik pa kaming mabulunan doon sa kinakain naming chicharon, na may laman from Cebu, dahil sa nabasa naming statement ng nga netizens tungkol sa sinabi ni Julia Barretto na siya ay biktima ng cyberbullying.

Kamuntik pa nga naming mabuga ang iniinom naming soda, dahil doon sa parte ng statement niya kung saan sinasabi niyang “you have charged everybody to destroy me for you”.

Sus Tito KC, para bang hindi natin naririnig kung papaanong magsalita si Julia sa mga press conferences. Parang hindi natin napapanood kung papaano siya sumagot sa mga interview sa kanya sa TV. Hindi ganyang magsalita si Julia. Kung pakikinggan mo pabebe pa nga iyan eh. Papaano naman ako hindi matatawa sa ganyang statement na alam mong hindi naman galing kay Julia. Iyon namang mga tao, react nang react na halos batuhin na siya kagaya nang gusto nilang gawin kay Magdalena.

Lahat nang ito ay nangyari dahil sa hindi mahusay na damage control.

Ano ba ang talagang sitwasyon? Break na sina Julia at Joshua, at kung ano man ang dahilan ay wala na tayong pakialam. Niligawan siya ni Gerald na inamin naman noon. Hindi man niya inaamin, nag-fall din siya kay Gerald. Si Bea naman, ang feeling nasulot ang kanyang boyfriend, at sinabi niyang ayaw na niya. Ganoon lang kasimple iyan. Kung iyan nagkaroon ng isang effective damage control, hindi na mangyayari iyan kaya lang sabog-sabog ang depensa nila eh.

Nangagalaiti ang nanay niyang si Marjorie. Mamaya sinisisi ng kapatid niyang si Dani si Joshua. Nagtatalak din ang lola niyang si Inday. Tapos ngayon nga ang statement na hindi naman talaga sa kanya.

Una hindi ganoon ka-articulate si Julia. Kung totoo ngang ang ghost writer niya ay isang lawyer, iba po ang sistema ng showbusiness kaysa sa korte, however, in the absence of a better reason, a statement is hereby written to be posted in social media.

Kung ang ghost writer ay writer talaga, ‘day pag-aralan mo rin ang “ghosting” bukod sa pagiging isang ghost writer. Hindi lahat ay naging kasing successful ng pelikula nina Patrick Swayze at Demi Moore. Hindi lahat ay hinahangaan, may pinagtatawanan at isa ang statement na iyan. The fact is hindi na maaaring baliktarin ang mundo at mabago ang sitwasyon. The order is just to “deodorize” the situation.

Ang kailangan lamang niya ay isang epekibong damage control. Epektibo ha!

DATI NA ANG SULUTAN

Hindi ito ang first time na may ganyang sitwasyon. Ganyan-ganyan din ang nangyari ilang dekada na ang nakaraan. May isang actor na may girlfriend na aktres din. Iniwan ng actor ang aktres at nanligaw sa isa pang aktres. Nasulot din, pero hindi ganyan kalala ang sitwasyon pagkatapos, kasi epektibo ang damage control. Professionals ang gumawa, hindi amateurs. Ang mga gumawa, may tahid na sa showbusiness at alam ang mentalidad ng fans, iyon ang wala sila.

Kung hindi lumabas ang matapang na statement na iyan ni Julia, palagay namin matatabunan na ang issue eh, at baka hindi pa umabot sa ganyan ang controversy. Eh kaso lalo pang pumutok iyon, at masasama pa ang sinasabi ng mga tao. Tawagin man ninyo silang sawsawero, pakialamero, bashers at kung anu-ano pa, pero kumakalat ang kanilang opinion, tama man o mali.

Eh dito sa Pilipinas, mas nakikita ang mali kaysa sa tama. Kaya ang sitwasyon nila ay mas lalo pang lumala. Hindi ako kasali riyan Tito KC, basta ngayong araw na ito, gusto kong kumain ng laing, sukdulang makati ang dahon ng gabi. Wala akong pakialam.(Ako rin, gusto ng laing ni Atty. Direk Jojie V Alonso. Rapsa ang extra viand sa pa-press con niya for Belle Douleur.)

Gusto ko rin sana ng kuhol kung may makukuha, masarap sipsipin iyon eh.

 

Related posts

Leave a Comment