OH MY GOD KATH — DANIEL

danielp12

(NI GORGY RULA)

NAKATUTUWA naman pala ang sweetness nitong KathNiel no?

Nung nakaraang Biyernes Santo, nag-surprise si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa Hongkong na ikinatuwa nang bongga ng young actress.

Nung kamakalawa naman ay sinorpresa ni Kathryn si Daniel sa kanyang 24th birthday party na ginanap sa Manila House Club sa BGC, Taguig.

Nung April 26 talaga ang birthday ni Daniel pero sinalubong na nila ito nung kamakalawa ng gabi na dinaluhan siyempre ng pamilya, mga close friends at executives ng ABS-CBN 2.

Walang kamalay-malay si Daniel na inayos pala ni Kathryn ang bandang Orange and Lemons na mag-perform doon sa party dahil paborito ito ng young actor.

Naki-jamming doon si Daniel ng paborito niyang kantang Hanggang Kailan(Umuwi Ka na Baby), at nung nakatalikod si Daniel, biglang tumakbo papasok si Kathryn at niyakap ang nobyo.

“Oh my God Kath!” yun lang ang nasabi ng celebrator sa sobrang pagkabigla sa pagdating ni Kathryn.

Nakiusap lang si Kathryn sa Star Cinema na mag-break muna sa shooting sa Hongkong para makauwi siya ng Maynila para sa kaarawan ni Daniel.

Kaya hindi rin magtatagal dito si Kathryn, babalik din siya agad ng Hongkong para tapusin na ang shooting ng Hello, Love, Goodbye nila ni Alden Richards.

 

AYAW NA NILANG UMASA KAY MAINE

 

Kahapon naman ang grand opening ng McDonald’s outlet ni Alden

Richards sa may Binan, Laguna.

Hindi pa sila nagsimula habang tinitipa ko ito. Pero ang pagkakaalam ko lang, ang kaibigan niyang sina Ruru Madrid at Chynna Ortaleza ang dadalo sa opening at ilang close friends sa Eat Bulaga.

Hindi ko lang sure kung naimbitahan si Maine Mendoza, pero base sa mga nababasa kong komento ng mga fans, parang ayaw na nilang umasa kay Maine.

Tanggap na nilang may iba nang pinagkakaabalahan ang ka-loveteam ng Pambansang Bae kaya okay lang daw kung wala si Maine.

Kahit naman ang mga taga-GMA 7 ay iniiwasan na ring ikabit pa si Alden kay Maine para tahimik na lang.

Ang pagkakaalam ko, meron silang nakaplano kay Alden na hindi kasama si Maine. Kaya ewan ko lang kung matutuloy pa ang mga projects na nakaplano sana sa kanilang dalawa.

 

AYAW IKUMPARA KAY VICE GANDA…

“VICE GANDA NA ‘YON…BASTA, I DID MY BEST”–SUPER TEKLA

 

Emotional si Super Tekla nang humarap ito sa ilang movie press  na

dumalaw sa kanila sa set ng pelikula niyang  Kiko en Lala.

Hanggang sa ngayon kasi ay hindi raw nagsi-sink in sa kanya na bida na siya sa pelikula.

Nung unang napanood nga raw niya ang lumabas na trailer, naiyak din siya dahil wala raw sa hinagap niyang magbibida na pala siya.

Ani Super Tekla, ““Pinaka-dream ko lang yung magkaroon ako ng minimum wage na trabaho eh.

“Hindi ko akalain na dati kung ano lang…sobrang na-amaze lang talaga ako, kaya thankful talaga ako sa GMA.

“Thank you, thank you talaga sa GMA..and of course dun sa mga naniniwala. Kaya tumbasan ko talaga yung pagtitiwala.”

Nung lumabas ito, karamihan sa mga komentong nakuha namin ay naipagkukumpara sila ni Vice Ganda.

Sabi ng komedyante, huwag naman daw sana silang pagkumparahin dahil Vice Ganda na raw iyun.

“Vice Ganda na yun eh! Ano lang naman ba ako?

“Mahirap na siyang abutin, o kahit lagpsan ko man siya, iba na siya kasi Vice Ganda na siya. Wala na silang magagawa,” saad ng komedyante.

Pero sa totoo lang natatalo na nga ng The Boobay and Tekla Show ang Gandang Gabi ni Vice kaya hindi maiwasang makipagkumpara sila.

Lalo raw siya tuloy napi-pressure dahil alam niyang malaki ang expectations sa kanya ng GMA 7.

Basta ginagalingan na lang daw niya para hindi naman ma-disappoint sa kanya ang GMA 7 na talagang nagtitiwala sa kanya.

“Ang bigat. Hindi ko maano bakit ganun. Ganun ba talaga?

“Yung sa akin nakaatang yung responsibilidad.

“Kaya nga tinutumbasan ko ‘to ng husay…bahala na ang tao.

“Kung hindi sila maano wala na akong magawa. Pero I did my best, kumbaga kung ano ang dapat kong gawin sa mga scenes sa movie binibigay ko ang tama at husay in my own way of comedy,” halatang kabadong pahayag ng bida ng Kiko en Lala na prinodyus ng Backyard Productions at dinirek ni Adolf Alix.

Kasama ni Super Tekla rito sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Divine Tetay, Jo Berry at special guest nila rito si Aiai delas Alas.

Sa May 22 na raw ang showing nito.

 

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment