OGIE, REGINE SA ITALY BUMUBUO NG BABY NO. 2

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

PARANG mga honeymooners sina Ogie Alcasid and Regine Velasquez habang nasa Positano, Italy. Ito ay matapos ang kanilang ASAP Rome last Sunday base na rin sa mga posts nila sa Instagram

Ayon kay Ogie sa kanyang caption, dream honeymoon destination daw nila ang Positano when they got married in 2010 na hindi nila napuntahan that time.

“When we got married in 2010, our dream honeymoon was supposed to be here in Positano. We weren’t able to come because wifey got pregnant 2 months after.

“And so, we both said “maybe someday”. Well, the Lord has blessed us after 9 years of waiting because finally we made it here. It certainly was worth the wait. Love you my baba,” ang caption ni Ogie sa sweet photo nila ni Regine with amazing view sa background.

Inirepost naman ito ni Regine at nilagyan naman niya ng caption na “Finally baba nakarating din tayo dito and you’re right it is worth the wait. I love you more baba.”

At dahil nga parang nagha-honeymoon ngayon ang mag-asawa, may mga comment na baka raw makabuo ng baby ang mga ito.

“Baby number 2 is coming,” komento nila.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment