NINANG KO SI KRIS, DON’T COMPARE US – MARIAN

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

Mabilis na kinontra ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang pagkukumpara sa kanila ni Kris Aquino.

Kung dati raw kasi, si Kris ang Endorsement Queen, mukhang naagaw na niya ang korona dahil halos buwan-buwan yata, may bago siyang endorsement na nilo-launch. Kung hindi man, renewal of contract.

Eh, sa isang endorser, ang isa sa pinakamasasabing effective ka, ‘yong nirerenew ang kontrata dahil ibig sabihin, happy ang brand o kompanya.

Sa naging renewal of contract ni Marian sa Reverie by Beautedérm Home ay nag-react si Marian sa comparison sa kanila ni Kris.

 

Ikinumpara si Marian kay Kris na diumano’y naungusan na niya ito sa pagiging most-in-demand endorser.

Sey niya, “Hindi, huwag ganoon. Ang hirap mag-compare ng isang tao sa ibang tao so walang comparison. Ayoko ng comparison at Ninang ko ‘yan, nirerespeto ko ‘yan.”

Si Kris ay isa sa mga ninang nina Marian at Dingdong Dantes sa kasal.

Sabi pa ni Marian, may kanya-kanya sila.

“Iba ang sa kanya at iba ang bigay sa akin ng Panginoon. Very thankful ako dahil dati kasi noong single ako, wow, may endorsement, ipon ako. Ngayon, kapag nanay ka, iba. Salamat Lord at nakakaipon ako para sa magandang future sa mga anak ko.”

Sa isang banda, mismong ang may ari ng Beautederm na si Ms. Rei Tan ang nagpatunay na simula raw nang kuhanin nila si Marian bilang endorser, isang buwan pa lang, tumaas na ang sales ng three times.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment