NANAY NI GERALD AYAW KINA BEA AT JULIA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

TALAGA yatang hindi matatapos iyang issue na iyan tungkol kay Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto. Iyong isang dapat sana ay pribadong issue lamang at hindi naman napag-uusapan, lumaki dahil sa katatalak ng kampo ni Julia Barretto na pati ang lola nagtatalak din sa pagdedepensa sa apo niya. Quiet lang si Bea.

Noong halos matatapos na ang gulo, si Julia naman mismo ang nagtatalak na akala mo nagdeklara na ng giyera laban kay Bea sa isang social media statement na ang hinala ng kanyang tiyahin ay gawa ng isang ghost writer. Nang mag-boomerang iyon at nasisi pa siya dahil sa pagtalak niya, naiba na ang tono ni Julia na nakikiusap nang tigilan na lahat iyan dahil lahat naman sila nasasaktan, kabilang na si Bea, na hindi naman pumatol sa hamon niya noong una pa.

Eh ‘di ang inaasahan ng mga tao matatahimik na, aba bigla namang nagtatalak ang nanay ni Gerald Anderson na nagsabing sa simula pa lang daw ayaw niya kay Bea. Sinabi pa niyang sobra na ang paninira ni Bea sa kanyang anak. Pati daw make up artist ni Bea sinisiraan si Gerald.

Pero hindi rin daw siya pabor kay Julia, na ang tingin niya ay masyadong bata pa para kay Gerald.

Eh kailan nga ba matatapos iyang issue na iyan kung ayaw namang tumigil sa katatalak ang mga third parties na hindi naman dapat sumali sa problema? Iyong nanay ni Gerald, siya rin naman ang nagsabi na may edad na ang anak niya, lalaki pa iyon. Bakit hindi niya hayaang si Gerald na lang ang magsalita?

Lalong lumalala ang sitwasyon dahil sa talakan nila, pero in the end, maniwala kayo sa amin na ang makakakuha ng simpatiya ng mga tao riyan ay ang hindi tumatalak na si Bea Alonzo at Joshua Garcia.

Minsan mas maganda pa nga iyong tahimik ka lang eh.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment