NADINE SOBRANG PROUD SA BEST ACTRESS AWARD

nadine famas12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SOBRANG  happy and proud ni Nadine Lustre sa kanyang natanggap na Best Actress award mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) para sa pagganap niya bilang Joanne sa pelikulang Never Not Love You.

Sa victory presscon nga niya last Friday na ginanap sa Viva office, dala-dala niya ang kanyang tropeo to show kung gaano siya talaga ka-proud. Sa salas nga raw ng bahay nila ito nakalagay para raw makita agad.

“Kasi, this is the very first time na nanalo po ako ng ganito kalaking award from the FAMAS, so it feels unreal. Parang hindi po siya totoo until now. Kasi medyo fresh pa po siya,eh,” simula ni Nadine.

She emphasized na masaya na siya acting different roles at makapagbigay-buhay sa isang karakter, pero to win an award is another thing.

“Sobrang laking bonus po nito para sa akin na parang mas lalong na-inspire pa ako na parang “oh my God, at least now, may recognition and may nakapansin na po sa aking pag-arte.” That’s the first time nga po kasi, so iba talaga ‘yung pakiramdam.”

During the acceptance speech ay naging emosyonal nga si Nadine habang ikinukuwento ang mga struggles niya bago tanggapin ang NNLY.

At the presscon, she explained na wala raw siyang inihandang speech that time dahil hindi naman niya ine-expect na mananalo siya.

“Ano pa naman po ako, may stage freight ako, ayoko po nun’g nagsasalita sa lahat ng maraming tao. So, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. So, I guess, ang ginawa ko na lang po is, shinare ko na lang po ‘yung experience ko before shooting the film kasi po, malaking challenge po sa akin ‘yung Never Not Love You, kasi nga po, fresh na fresh pa ‘yung sa kapatid ko at that time,” she said.

Ang tinutukoy ng aktres ay ang pagyao ng kanyang younger brother noong 2017.

“Kinabahan po ako na baka hindi ko siya magawa nang tama. And ‘yun nga po, palagi kong sinasabi kay direk (Antoinette Jadaone) na “direk, parang feeling ko, hindi ko pa kaya.” So I’m really happy na kahit ganun ‘yung nararamdaman ko nu’n and ganu’n po ‘yung situation ko dati na hindi pa ako ready or marami po akong doubts sa sarili ko, and sobrang takot po ako kasi ayoko nga pong maka-dissapoint, so I’m really happy na even at my lowest point, naitawid ko po siya.”

Of course, proud din ang boyfriend niyang si James Reid sa pagkakapanalo niya pero kahit naman daw before the awards night ay sinabi na rin sa kanya nito na positibo itong siya ang mananalo.

“May event po kasi siya nu’n, may gig siya, and then, sinabi ko po sa kanya na a-attend ako ng FAMAS. And then, sinabi niya na “you’re gonna win that.” Sinabi na po niya ‘yun sa akin. So, pag-uwi ko, sabi niya, “I told you, you’re gonna win.” So, I’m really happy kasi, sa lahat ng pinagdaanan namin, siya ‘yung number one na supportive sa akin and siya  po talaga ‘yung nagpu-push sa akin,” sey ni Nadine.

Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan ng aktres ang boyfriend at isa sa inalayan ng kanyang award.

Anyway, after Ulan, ang susunod namang mapapanod kay Nadine ay ang pelikulang Indak na musical film naman with Sam Concepcion. Magbabalik din siya sa TV since kapipirma nga lang niya ng kontrata sa ABS-CBN pero wala pa siyang sinasabi kung ano ang kanyang gagawing teleserye.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment