MOTHER LILY NAMANGHA: OGIE D. NAKALIMANG ANAK

OGIE DIAZ

Maging si Mother Lily Monteverde ay hindi makapaniwala na ang lima ang mga supling ni Ogie Diaz sa asawang si Georgette.

“At ang gaganda ng mga anak niya!” bulalas ng Regal matriarch, na early bird sa 50th bday party ni Ogie sa The Circle Events Place, Timog Avenue, Quezon City.

Nagbiro tuloy si Ogie sa stage, “Gusto kong magpahipo kay Mother Lily para patunayang tinitigasan ako!”

Tawa nang tawa si Mother Lily, pero ganoon na lang ang pagkabilib niya kay Ogie sa pagiging madiskarte nito sa buhay. Sabi ni Mother, handa siyang tumulong kay Ogie sakaling mag-produce muli ito ng pelikula.

Anytime daw, magpasabi lang si Ogie, bukas ang Valencia Events Place  ni Mother sa kung ano mang pa-event ni Ogie.

Maliban kay Mother Lily, nakipagdiwang kay Ogie sina Liza Soberano, Enrique Gil, Senador Jinggoy Estrada, Malou Choa-Fagar, Lee O’Brian (minus Pokwang na nag-aalaga ng anak nila), Erich Gonzales, Ahron Villena, Markki Stroem, Beautederm CEO Ms. Rhea Tan (may pa-perfume para sa guests ni Ogie), Jenny Miller & brother Ian, Gladys Reyes & son Kristoff, Aiko Melendez & Vice Governor Jay Khonghun, Jhong Hilario, Ricky Davao, Mark Lapid, Arlene Muhlach, Jayson Gainza, Alex Calleja, Erik Santos, Erickson Raymundo, Dimples Romana, Mark Manicad, Ervic Vijandre, Ysabel Ortega, Roderick Paulate, Direk Ruel Bayani, Direk Paul Singh, Henz Villaraiz, Morly Alinio, Dindo Balares, Rommel Placente, Reggee Bonoan, among others.

Ang nag-host ng program ay sina Lassy Marquez, Petite at MC.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment