MMFF 2019 TOP 8

MMFF 2019

Kahapon ng hapon  in-announce  sa Club Filipino ang apat na pelikulang napili sa labin-limang finished films na isinabmit sa Selection Committee ng Metro Manila Film Festival

Pasok ang entry ni Coco Martin na Tripol Trobol kasama sina Jennylyn Mercado at Aiai delas Alas.

Inaasahan din namin at gustung-gusto naming makapasok ang pelikula ni direk Brillante Mendoza na Mindanao.

Nang ipinakita ang trailer, gustung-gusto na namin at nakikita talagang magaling si JudyaAnn dito.

Pasok din ang pelikulang Culion na historical ang genre na kung saan isa rin si Iza Calzado sa mga producers, kaya excited siya sa pelikulang ito na nakapasok sa MMFF 2019.

Ang di namin inaasahang nakapasok ay ang Write About Love ng TBA Studio na Romance ang genre. Bida rito sina Rocco Nacino at Miles Ocampo.

Ang sabi nila, maganda raw ang kuwento ng pelikula at sinasabi nilang mahihirapan itong lumaban sa box-office. Pero malay natin, baka pang-millennials ito at baka maging surprise sa box-office.

Bukod sa apat na pelikulang napili, in-announce na rin ang apat na script na napili.

Ang The Mall the Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis, ang Mission Unstapabol nina Vic Sotto at Maine Mendoza, ang Miracle at Cell No. 7 nina Aga Muhlach at Bela Padilla at ang horror na Sunod ni Carmina Villaroel.

Marami ang nanghinayang sa di pagpasok ng entry ng Regal Entertainment na The Heiress.

Dumating pa naman doon si Mother Lily na pagkaupo niya ay may nakapagbulong na sa kanyang di nakapasok ang entry ng Regal na The Heiress.

Pero kaagad namang natanggap ni Mother.

Gusto na nga ni Roselle Monteverde na umalis doon si Mother Lily, pero hindi niya ginawa.

Nag-stay siya hanggang sa natapos ang announcement.

Base sa trailer ng mga entries na ipinakita, mukhang maganda naman daw kaya hangad din ni Mother na mag-hit ang lahat na mga pelikulang kalahok.

Pinag-uusapan na rin doon ang Summer MMFF next year, pero sabi ni Mother Lily, iba raw talaga ang MMFF sa Pasko dahil may bonus at may pera talaga ang mga tao.

Bubuksan ang MMFF ng isang makulay na parada sa December 22 na gaganapin sa Taguig, dahil ito ang host ng naturang filmfest.

Sa December 27 ang awards night na ang unang plano ay sa Cultural Center of the Philippines gaganapin dahil sa ipinagdiriwang ang 100 Years of Philippine Cinema.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment