MATTEO GRADUATE NA NG SCOUT RANGER COURSE

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

NAKA-graduate na ang Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli ng kanyang 30-day Scout Ranger Orientation and Leadership Development Course kasama ang PMA class of 2021 sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan.

Bukod sa pagdalaw ng girlfriend ni Matteo na si Sarah Geronimo sa kalagitnaan ng training niya, dumating din ito sa mismong graduation ni Matteo kahapon, June 27 kasama pa rin ang mga magulang at kapatid ng actor.

Nakatanggap ng special awards si Matteo tulad ng medalya dahil sa ginawa niyang pagbo-volunteer sa clean-up drive sa ilang eskuwelahan sa San Miguel, Bulacan at sa pagiging magandang inspirasyon daw nito sa mga kabataan.

Bukod sa special recognition, nakatanggap din siya ng letter of commendation at scout ranger replica dahil sa pagiging outstanding student niya.

Obviously, proud girlfriend naman si Sarah sa mga achievements na ito ng boyfriend. Na ang sinasabing rason ni Matteo kaya siya nag-join bilang Army Reserved Command ay dahil daw sa pagmamahal niya sa bansang Pilipinas.

MARIAN MAY SEPARATION ANXIETY KINA ZIA AT ZIGGY

Mas mabilis daw na unti-unting bumabalik na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa mga showbiz commitments niya after niyang manganak sa ikalawang baby nila ni Dingdong Dantes na si Ziggy.

Kumpara raw nang ipanganak niya si Zia, ngayon daw kasi after a month, nag-shoot na agad siya for an endorsement, after two months naman, humarap na siya sa ilang entertainment press para naman sa renewal of contract niya as ambasadress of Kultura.

Natuto na rin daw siya kasi noong pinanganak niya si Zia, talagang nahirapan siyang iwan ito, nagkakaroon siya ng separation anxiety at talagang ang focused niya lang, puro Zia. Although, aminado si Marian na may ganun pa rin siya sa baby boy nila.

Halatang hirap si Marian na magdesisyong bumalik agad sa mga shows niya kahit na nandoon na ang clamor na mapanood siyang muli. Natatawang kuwento ni Marian, nakatanggap na raw siya ng letter mula sa Tadhana kaya baka ito raw ang una niyang balikan this July, saka pa lang ang Sunday comedyo show niyang Sunday PinaSaya.

“Sabi ko nga, nagi-guilty naman ako. Sige, I’ll try baka this end of July,” natawang sabi niya.

Sa teleserye, it took more than two years bago muling gumawa si Marian. Eh, heto’t bakante pa ang leading lady ni Dingdong sa Descendants of the Sun. Halos siya rin ang mababasa na nire-request ng mga fan at netizens na gumanap bilang si Dra. Kang.

Siya kaya ang sinasabi ni Dingdong na “may hinihintay pa” when asked kung sino na na talaga ang magiging leading lady nito since almost all the cast was announced na.

“Sabi ko nga, sa puntong ito eh, hindi talaga pero, malay niyo naman, kapag nilapitan ang location… umuwi ako ng maaga,” natatawang sabi niya.

Sabay sabi rin nang, “Uy, ano ha, baka may napili na silang leading lady, bakit ako ang sinasabi ko, hindi naman ako.”

Nagpapasalamat naman si Marian sa mga fans na siya talaga ang nire-request na gumanap sa character na ginampanan ng Korean actress na si Song Hye Kyo.

Sa ngayon daw talaga, mahirap pa dahil may newborn siya, bukod pa sa may toddler pa siya na hinatid-sundo rin daw niya sa school.

As much as possible, kung si Marian ang masusunod, since two months pa nga lang naman nang mangangak siya, mas gusto niya muna ang ginagawang more on endorsements muna siya.

Masaya nga ito dahil siya pa rin ang first and only celebrity ambasadress ng Kultura through Kultura X Marian. Nag-renew nga si Marian ng kontrata at kasabay nito ang launching ng mga bagong shirts ng Kultura inspired by her.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment