MATCH MADE IN HEAVEN NGA BA ANG MARKRIS?

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

MAY nabuo na agad na pangalan ng loveteam ang mga netizens para kina Kris Aquino and Batangas Vice Governor Mark Leviste. MarKris ang tawag sa kanila ngayon dahil nga sa palitan nila ng mensahe sa Instagram.

Bigla na lang kasing nag-comment si Vice Gov. sa post ni Kris the other day. Aniya. “looking for someone single, aged 41?”

Marahil na rin, ito ay dahil sa post ni Kris na may Facebook account na raw siya at iniimbitahan niya ang mga single men na i-add siya as a friend.

Sumagot naman si Kris ng “@markleviste Vice Gov- diba si @cathyvalencia ang pino pormahan mo? i’m in negotiations with her now… baka mawala pa eh good offer pa naman.”

Tila nagpasaklolo naman si Vice Gov kay Cathy dahil komento niya ulit, “hi there @cathyvalencia.”

Sumagot naman ang aesthetician ng “@krisaquino no we’re just friends . And I want us to only remain friends” at sinang-ayunan din ito ni Mark.“Yasss!” aniya.

Heto naman ang bonggang sagot ni Kris, “@markleviste, Vice Gov- napaso na sa “players” (literal & figurative) and sa elected officials. You have a (check) in both boxes. Not “looking” but i look forward to getting to know you better & befriending you.”

Ang ibig sabihin ni Kris ay pasok si VG sa dalawa niyang requirement na single and aged 41-55.

Sagot naman ng politiko, “fair enough. Something to look forward to.”

Kinilig ang mga netizens sa sagutan na ito at ang daming nagsabing bagay sila and ‘yun na nga MarKris na ang tawag nila sa dalawa.

May nagkomento ng “@markleviste @krisaquino best match ever. Parehong single and from great political families. Good single parents , go for it! Push nyo yan!”

Sinagot ito ng bise-gobernardor ng “let’s get it!”

Komento pa ng isa, “@markleviste OMG! Match made in heaven! You and Kris belong to the same political party!” at sumagot naman si Vice Gov ng yellow ribbon emoji.

Nakakatuwa rin na sagot na sagot si Mark sa mga netizens. Kaya may nagsabi tuloy na bagay sila dahil pareho silang madaldal.

Well, abangan natin kung saan hahantong ang usapang ito nina Kris at Vice Gov.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment